• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Base sa Pulse Asia at Social Weather Station… VP Sara rating, pinakamalaking ibinagsak kumpara sa ibang opisyal

 

MALAKI ang ibinagsak ng trust at approval rating ni Vice President Sara Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) ngayong Setyembre.

 

 

Bagama’t lahat ng matataas na opisyal simula kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. hanggang kay House Speaker Martin Romualdez ay bumaba ang rating noong Setyembre, kapansin-pansin na tanging rating ni VP Sara ang malaki ang ibinagsak.

 

 

Base sa Pulse Asia Survey, bumaba ng 10 puntos ang trust rating ng bise presidente mula 71% noong Hunyo, at ngayon ay nasa 61% na lamang.

 

 

Sampung puntos din ang ibinaba ng trust rating ni VP Sara sa SWS ngayong Setyembre, mula 65% noong Hulyo 2024 at ngayon ay naging 55% na lang.

 

 

Pero sa National Capital Region (NCR), 28 puntos ang ibinagsak ng approval rating ni VP Sara, mula sa 64% noong Hunyo, ngayon ay 36% na lang.

 

 

Sa tingin ng ilan, ang imbestigasyon ng Kongreso hinggil sa intelligence at confidential fund ni VP Sara ang marahil na dahilan ng pagsadsad ng rating nito.

 

 

Bumaba rin naman ang rating nina Pang. Marcos, Senate Pres. Francis ‘Chiz’ Escudero at Speaker Romualdez, subalit bahagya lamang ito, kumpara sa ibinagsak ng rating ng bise presidente.(Daris Jose)

Other News
  • Ads September 5, 2023

  • Ex- Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

    NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.   Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder at violation of BP No. 880 ang isinampa […]

  • ‘A Quiet Place Part II’ Final Trailer Is Out, Monsters Are On The Loose

    PARAMOUNT Pictures has released the final trailer for the upcoming film, A Quiet Place Part II after such a long delay and finally will be premiering in US cinemas.     The debut of the final trailer is good news for the film. The title has bounced around on the release calendar five times since […]