Batang lalaki nalunod sa Navotas
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nasawi ang isang siyam na taong gulang na batang lalaki matapos malunod sa ilog sa Navotas City, kamalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Justine Antonio, 9-anyos ng No. 497 Gov. Pascual, Brgy. Daang-Hari.
Sa inisyal na imbestigasyon nina PSSg Levi Salazar at PCpl Reysie N Peñaranda, dakong ala-1:20 ng hapon, habang naglalaro ang biktima kasama ang kanyang 10-anyos na nakakatandang kapatid na lalaki sa Riverside Estrella Bridge, Brgy. East makaraang bumuhos ang ulan nang madulas umano ang bata mula sa hinahawakan nitong lubid.
Lumubog sa ilalim ng tubig ang biktima at hindi na lumutang na naging dahilan upang humingi ng tulong ang kanyang kuya sa kanilang ama na si Nestor, 56, na agad namang sumisid sa ilog para iligtas ang anak.
Gayunman, nabigo si Nestor na makita ang anak kaya’t humingi sila ng tulong sa mga awtoridad na agad namang nagsagawa ng search at rescue operation ang pinagsamang mga tauhan ng Coast Guard, Bureau of Fire Protection, PNP at Navotas DRRMO.
Bandang alas-7:02 ng gabi nang ma-retrieved ng mga rescuer ang bangkay ng bata at walang external injury sa katawan nito, habang kumbinsido naman ang kanyang pamilya na ito ay isang aksidente. (Richard Mesa)
-
2 drug suspects kulong sa P360K shabu sa Navotas
NASAMSAM sa dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas Wawie, 26, at alyas Ver, 52, kapwa residente ng lungsod. Sa kanyang […]
-
Tiniyak na may libreng sakay
NANINIWALA ang Malakanyang na hindi dapat magkaroon ng talagang matinding problema ang mga mananakay ngayon at nagsisimula na ang 7 araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan. Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman sinuspinde ng pamahalaan ang public transportation sa ipinatutupad ngayong ECQ sa […]
-
Mga nakumpiskang white onions, hindi na ibebenta ng Department of Agriculture
INIULAT ng Department of Agriculture (DA) na hindi na nito isaalang-alang pa ang pagbebenta ng mga nakumpiskang puting sibuyas sa mga stalls ng Kadiwa dahil sa mga health and sanitary concerns. Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez tinanggal na nila ang nasabing option. Noong unang bahagi ng linggong ito, sinabi […]