• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Batangas, Pampanga may pagsipa sa COVID-19 cases kahit nasa labas ng ‘bubble’: OCTA

Nababahala ang independent group na OCTA Research sa tumataas ding kaso ng coronavirus (COVID-19) sa mga lugar na nasa labas ng tinaguriang NCR (National Capital Region) Plus bubble.

 

 

Kabilang na rito ang mga lalawigan ng Pampanga at Batangas.

 

 

Batay sa pinakabagong report ng OCTA, tumaas ng 141% o 150 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Batangas mula March 17 hanggang 23. Kumpara sa average na 62 new cases noong unang dalawang linggo ng buwan.

 

 

Habang 86% o 121 na bagong kaso ng sakit ang isinipa ng numero sa Pampanga, mula sa average na 65 new cases na naitala sa nagdaang linggo.

 

 

Ayon kay Prof. Guido David, mas mataas ang increase na kanilang na-obserbahan sa dalawang lalawigan kumpara sa bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus sa mga lugar na sakop ng NCR Plus bubble.

 

 

“That is very significant, that’s a very big increase. That increase is even bigger in some of the increase seen in the bubble provinces,” ani David sa interview ng CNN Philippines.

 

 

Dapat umanong bantayan ng pamahalaan ang Batangas at Pampanga, at pag-aralan ang posibilidad na palawigin ang bubble o paghihigpit sa dalawang probinsya kung patuloy na tataas ang kanilang COVID-19 cases.

 

 

Samantala, sinabi rin ng OCTA na bumaba ng kaunti ang reproduction number (R-Naught) o bilang ng mga nahahawaan ng confirmed case sa NCR.

 

 

Sa ngayon daw kasi nasa 1.91 na ang R-Naught ng Metro Manila, mula sa 1.99 kahapon, araw ng Miyerkules.

 

 

“It is too early to tell if this is the beginning of a hoped-for downward trend in the reproduction number, given that the NCR was placed under the GCQ bubble.”

 

 

Ayon kay Prof. David, maaari lang masabi na nasa downtrend na COVID sa Metro Manila kung bababa pa sa 1.5 ang R-Naught ng rehiyon.

 

 

Una nang sinabi ng Department of Health na bumilis pa ang pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa. Bukod sa NCR, nagtatala rin daw ng matataas na bilang ng bagong kaso ng sakit ang Calabarzon at Central Visayas.

 

 

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng Epidemiology Bureau, higit 200% ang itinaas ng bilang ng bagong COVID cases sa NCR.

 

 

“Nung simula ng taon nationally we were report 1,274. In the past we’re now report 5,644. Ayaw nating tumuloy tuloy yung pagtaas ng kaso, dito papasok yung ambag ng bawat individual, establishment at LGUs to implement minimum public health standards and other safety protocols.”

 

 

Sa datos ng OCTA, as of March 25, nangunguna pa rin sa may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID sa NCR ang Brgy. Fort Bonifacio sa Taguig, Brgy. 76 at 183 sa Pasay, Brgy. Pio del Pilar sa Makati, at Brgy. Commonwealth sa Quezon City. (Daris Jose)

Other News
  • Ancajas vs Rodriguez, kasado na ang sapakan

    ILALABAN at buong tapang na Ipagtatanggol ni reig-ning International Boxing Federation (IBF) super flyweight world champion Jerwin Ancajas ang kanyang titulo laban kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez sa Abril.   Ito ang inihayag ni Top Rank Promotions chief Bob Arum kung saan pinag-aaralan pa ng kanyang grupo kung saan gaganapin ang laban.   Si Rodriguez […]

  • Alex Eala hangad ding makapagbigay ng inspirasyon tulad ng boxing legend na si Pacquiao

    Todo pasalamat pa rin ang teenage tennis sensation na si Alex Eala sa kanyang mga fans na nagpaabot ng papuri sa kanyang matapos ang makasaysayang panalo sa US Open junior crown.     Ang panalo ni Eala ay nagluklok sa kanya bilang first Filipina na makasungkit ng grand slam singles championship.     Aminado ang […]

  • JESSY, pinanindigan na ‘di totoong lilipat na sa GMA Network; freelancer kaya puwedeng mag-guest tulad ni XIAN

    PINANINDIGAN pa rin ni Jessy Mendiola na hindi totoong lilipat siya sa GMA Network, pero dahil freelancer siya, ay pwede naman siyang mag-guest kahit saang network.      Katulad last Wednesday, July 7, nag-guest siya sa Shopee 7.7 TV special at dalawa sila ng kapwa niya dating Kapamilya, si Xian Lim, sa pagho-host ng show. […]