BATAS ang MAKAKARESOLBA sa ISYU ng PMVIC
- Published on September 7, 2021
- by @peoplesbalita
Bakit ang napakahalagang government function tulad ng emission testing at road-worthiness inspection ay ipinapasa ng DOTr sa pribadong sektor?
Taong 1984 nang nagkaroon ng pilot test ang motor vehicle inspection station sa LTO Central at tinawag itong North Motor Vehicle Inspection Station (NMVIS). Nadagdagan nito sa LTO Region 3, 4-A, 7 at 11.
Noong 1999 ay isinabatas ang RA8749 o ang Clean Air Act. Makikita na ang basehan ng pagtatag ng Motor Vehicle Inspection System ng LTO ay hindi ang RA8749 dahil naitatag ito noong 1984 nang wala pa ang RA 8749.
Pero may batas na noong 1984 na nagmamandato ng road worthy inspection – ang RA4136 o ang Land Transport and Traffic Code. Sa RA4136 Sec. 34, ang mga sumusunod ang dapat mainspeksyon para masiguro ang roadworthiness ng isang sasakyan – tires, brakes, horns, headlights, taillights, stop lights, motorcycle and other light vehicles, lights when parked or disabled, windshield wiper, use of red flags mufflers. Kaya malinaw na para sa emission ang batas na umiiral ay RA8749, samantala sa roadworthiness ay RA4136.
Naging issue nga ito noong 2001 nang iminungkahi ang isang privatized Built Owned Operate (BOO) scheme ang na-conceptualize para sa isang standard motor vehicle inspection system na ipinasa sa NEDA para maaaprubahan.
Pero ang mga nakaupo noon sa Investment Coordination Committee ay mas pinanigan ang proposal na accreditation process, bagay na sinalungat naman ng Deparment of Transportation and Communications(DOTC) noong mga panahong iyon.
Dahil dito ang emission inspection ng mga pribadong sasakyan ay dumadaan sa Private Emission Testing Centers base sa Section 21 ng RA8749 habang ang mga public utility vehicles ay sa LTO MVIS base sa Section 34 ng RA4136.
Ano naman ang pinaghuhugutan ng mga Private Motor Vehicle Inspection Centers? Naglabas ang Department of Transportation ng DO 2018- 019 na ipinapasa ang roadworthiness inspection at emission testing sa mga accredited private motor vehicle inspection centers.
Ano ang naging basehan ng department order? Ayon sa Office of the Solicitor General “outsourcing” ang ginawa ng DOTr nang ipinasa sa pribado ang emission at roadworthiness inspection sa mga PMVIC. Ang legalidad ng Deparment Order ng Dotr ang pinagdududahan ng maraming mambabatas.
Bakit ang napakahalagang government function tulad ng emission testing at road worthiness inspection ay ipinapasa ng DOTr sa pribadong sektor?
Wala bang pondo para ma-upgrade ang kasalukuyang mga public motor vehicle inspection centers? Di ba’t naglaan na ng pera para dyan? Korapsyon ba ng ilang tiwaling opisyal ng LTO ito? Pag pribado ba ay walang korapsyon?
Kailangan ba ng bagong batas para masolusyunan na ito? (Atty. Ariel Enrile – Inton)
-
Kinilig ang netizens sa viral videos: ALDEN, sinurpresa si KATHRYN bitbit ang regalo at malalaking bulaklak
PINAG-UUSAPAN at nag-viral na naman ang magkaibigang Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos na kumakalat ang video nila sa isang event. Ilang mga X users na nag-upload ng video kina Kathryn at Alden na kung saan nagse-selfie ang mga ito at isa namang may pa-surprise gift at bouquet si Alden para sa aktres. […]
-
Pukpukan na sa UAAP 2nd round
PAPASOK na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round. Kaya naman inaasahang mas magiging matinding bakbakan ang masisilayan dahil unahan na ang lahat ng teams para makapasok sa Final Four. Magsisimula ang second round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa […]
-
Top 2 at 6 most wanted person sa kasong rape sa Malabon, nalambat
NATIMBOG ng pinagsanib na puwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Station Intelligence Section (SIS) at Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office (RMFB-NCRPO) ang Top 2 at 6 Most Wanted Person ng Malabon city sa magkahiwalay na operation sa naturang lungsod. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, […]