• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Batas kulang para parusahan sumisingit sa bakunahan kontra COVID-19

Kung ang Malacañang ang tatanungin, hindi sapat ang mga kasalukuyang umiiral na batas para mapatawan ng parusa ang mga lumalaktaw sa priority list ng gobyerno pagdating sa mga pagpapaturok ng gamot laban sa coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos uminit ang ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga non-healthcare workers na nagpapaturok agad ng bakuna kahit hindi naman kasama sa A1 priority list ng gobyerno.

 

 

“Kung ang mga nag-skip [ng priority] line ay taong gobyerno, meron po tayong tinatawag na [Jovito] Salonga Law, ‘yung code of ethics for all public officers,” ani Roque, Huwebes.

 

 

“May mga probisyon doon na pwedeng malabag. Hindi naman siguro po pagtatanggal agad, pero meron pong corresponding parusa ‘yung ating Salonga Law, although it is a code of ethics.”

 

 

Kagabi nang paringgan ni Digong ang aktor na si Mark Anthony Fernandez, na una nang naibulgar na nagpabakuna ng AstraZenca sa Lungsod ng Parañaque. Labas diyan, ilang mayor ang binigyan ng show cause order ng DILG para magpaliwanag matapos magpaturok din.

 

 

Una nang idinahilan ni Paranaque Mayor Edwin Olivarez ang pagpapaturok kay Fernandez dahil sa “quick substitution list,” bagay na nagpapahintulot magturok sa non-A1 priority kung umatras ang healthcare worker na dapat tumanggap nito. Dagdag pa niya, may comorbidity ang aktor gaya ng “depresion at hypertension” kaya inuna siya. (Daris Jose)

Other News
  • AMO AT MAID, PATAY SA ENGKWENTRO

    NASAWI  ang isang kasambahay nang nagka-engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at babaeng amo nito sa Sampaloc, Maynila Lunes ng madaling araw.     Sa ulat ng pulisya,  naganap ang insidente  dakong ala-1:35 ng madaling araw sa kahabaan ng Mindanao Ave., sa nasabing lugar.     Napag-alaman na dumating sa […]

  • Outgoing NEDA chief, inulit ang pangangailangan para sa “full resumption” ng face-to-face classes

    MULING inulit ni Outgoing Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick  Chua ang panawagan  na  “fully resume” ang  face-to-face classes.     Nagpahayag ng kumpiyansa si Chua  na maipatutupad  ito ng  incoming administration.     Sa virtual briefing, sinabi ni Chua na ang education sector ay  “significantly lagged behind”, pagdating sa full resumption ng face-to-face classes  na […]

  • US, nakahandang suportahan ang PH tungo sa transition para sa renewable energy

    NAKAHANDANG tulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa transition nito tungo sa pagkakaroon ng renewable energy.     Sa pagbisita ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng opisyal na ang renewable energy ay kritikal para sa buong mundo maging sa seguridad ng ating planeta. Ito rin […]