• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Batas na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang Spanish football player na si Bienvenido Marañon, nilagdaan ni PDU30

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang batas na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang Spanish football player na si Bienvenido Marañon.

 

Tinintahan ng Pangulo nitong Hulyo 2 ang Republic Act 11570 na nagre-require kay Marañon na mag- Oath of Allegiance to the Philippine Republic sa harap ng lehitimong authorized officer.

 

Ang Bureau of Immigration ay magpapalabas naman ng certificate of naturalization kay Marañon.

 

Ang batas ay kagyat na magiging epektibo matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation.

 

Si Marañon ay dumating sa Pilipinas noong May 2015 at naglaro para sa Ceres Negros Football Club, isa sa mga koponan sa Philippines Football League.

 

Binansagan siya bilang top scorer at pinarangalan bilang best import player noong 2017, 2018, at 2019.

 

“He dreams of building a family in this country, and raising his children surrounded by the kindness, humility, and hospitality that Filipinos are known for,” ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, isa sa mga may-akda ng batas.

 

“He also aspires to represent the Philippines as part of the national team vying in international competitions, and make the country known as one of the top teams in the world of football,” dagdag na pahayag nito.

Other News
  • Jarencio may tagubilin sa magiging UST coach

    HANGGANG presstime nitong Huwebes ng hapon, nananatiling wala pang kapalit sa nagbitiw at naban na si Aldin Ayo para sa coach ng University of Santo Tomas men’s basketball team Growling Tigers para sa 83 rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2020-21.   Kaya magpanggang ngayon hulaann pa rin kung sa magiging bagong bench […]

  • Restored version ng ‘T-Bird at Ako’ nina NORA at VILMA, muling mapapanood sa ‘2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival’

    SA selebrasyon ng Pride Month ngayong Hunyo, ihahandog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival online from June 4 to 30.      May theme ito ng “Sama-Sama, Lahat Rarampa!”, sa taong ito aim ng PelikuLAYA na ma-empower ang members ng LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng lineup ng […]

  • Caballero tagapagsalita sa Natl’l Sports Summit

    PAGTUTUUNAN ni Pilipinas Sepaktakraw Federation Inc. President Karen Tanchanco-Caballero ang mga kababaihan sa mundo ng sport sa online 17th session ng Philippine Sports Commission-National Sports Summit (PSC-NSS) 2021 ngayong Miyerkoles, Hunyo 9.     Ibubunyag ng deputy secretary general ng Philippine Olympic Committee (POC) at unang babaeng vice president ng International Sepaktakraw Federation (ISTAF) at […]