• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bato hindi puwedeng arestuhin sa Senado – Chiz

HINDI maaring arestuhin sa loob ng Senado si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kung mayroong sesyon.
Ayon kay ­Senate President Francis “Chiz” Escudero, maaaring manatili sa Senado si Dela Rosa hanggang maubos nito ang mga “legal remedies” na makapipigil sa pag-aresto sa kanya.
Pero agad ding nilinaw ni Escudero na wala pa namang natatanggap na arrest warrant ang Senado mula sa International Criminal Court o ICC.
Matatandaang sinabi ni Dela Rosa na hihingi siya ng proteksyon sa Senado sakaling maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
Binanggit naman ni Escudero ang mga nakaraang kaso ng mga senador na nagkanlong sa Senado sa gitna ng warrant of arrest laban sa kanila.
“Hindi nakabase sa batas pero nakabase sa tinatawag na institutional courtesy—hindi papayagan ng Senado [na] arestuhin ang sinumang miyembro niya sa loob ng Senado lalo na kung may sesyon,” ani Escudero.
Sinabihan din ni Escudero si Dela Rosa na tutulungan ito ng Senado sa mga kailangang ­remedyong legal sakaling maglabas ng warrant of arrest ang ICC.
(Daris Jose)
Other News
  • Mahigit 1-M mga indibidwal lumikas na mula sa Ukraine mula nang salakayin ito ng Russia

    MAHIGIT isang million na mga indibidwal na ang lumipad paalis sa Ukraine simula nang magsimulang salakayin ito ng Russia.     Ayon sa datos ng UN refugee agency, tinatayang nasa 8.5 percent sa mga ito ay tumakas sa bansa patungo sa mga kalapit na bansa tulad ng Poland, Slovakia, Hungary, Moldova, Belarus, at Russia.   […]

  • Ads April 3, 2024

    adsapr_040324

  • EDU, iginiit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider

    TAGLAY ni Vice President Leni Robredo ang malinaw at kongkretong plataporma para palakasin pa ang Philippine National Police (PNP) kapag nanalong pangulo sa halalan sa Mayo 9.   Ito ang siniguro ng aktor na si Edu Manzano sa isang video message kung saan iginiit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider na magpapatibay sa sistema […]