Battle of liberos inaabangan din sa PVL
- Published on March 27, 2021
- by @peoplesbalita
Maliban sa nagtataasang talon at malulupit na atake ng pinakamahuhusay na top spikers sa bansa, inaabangan na rin ng lahat ang salpukan ng mahuhusay na libero sa Premier Volleyball League (PVL).
Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama ang matitikas na players sa bansa sa Open Conference ng liga na puntiryang simulan sa Mayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Kabilang na rito ang mga beteranong libero gaya nina Dawn Macandili ng F2 Logistics at Denden Lazaro ng Choco Mucho Flying Titans.
Excited na si Lazaro na makalaban ang dati nitong teammates sa Ateneo na sina Alyssa Valdez at Jia Morado — ang key players ng reigning champion Creamline.
“I haven’t played against Alyssa in a long time and Jia as well my former teammates in Ateneo. They are the reigning champions in the PVL, so of course, everybody would want to meet the champions,” ani Lazaro sa programang The Game.
Handa na rin si Macandili na saluhin ang lahat ng palo ng mga bagong mukha na makakalaban nito sa PVL.
“I’m very excited to go up against (the best teams in the league). There are new teams, there are players na lumipat sa ibang teams. So we really can’t tell who’s gonna play their best this coming PVL,” ani Macandili.
Maliban kina Macandili at Lazaro, masisilayan din ang matitikas na libero na sina Kath Arado ng Petro- Gazz, Jheck Dionela ng Cignal, Tin Agno ng Army at Alyssa Eroa ng PLDT.
Nilinaw naman ni Lazaro na magkakalaban sila sa loob ng court ngunit nananatiling magkakaibigan sa labas.
-
FDA, nakikipag-ugnayan na rin sa gumagawa ng popular na Filipino instant noodles dahil sa isyu ng ‘ethylene oxide’
NAKIKIPAG-UGNAYAN na rin ang Philippine Food and Drugs Administration (FDA) sa kumpanya na gumagawa ng popular at paboritong instant noodle brand ng mga Pinoy para masuri ang safety standards compliance nito. Ayon sa FDA, sinimulan na nila ang pag-imbestiga sa naturang produkto kasunod ng lumabas na report mula sa European countries sa Ireland, […]
-
P20/kilong bigas posible sa ‘unang bahagi ng 2023,’ sabi ng DAR chief
KUNG SUSUNDIN ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mungkahi ng Department of Agrarian Reform (DAR) patungkol sa isang “mega farm project,” iginigiit ng kagawaran na posibleng makatikim ang publiko ng P20/kilong bigas kahit sa maagang yugto ng 2023. Ito ang sinabi ni Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz, Lunes, sa isang press conference […]
-
Ads July 12, 2022