Bayanihan 2 funds, naibigay at nagamit ng mga ahensiya ng pamahalaan- Sec. Roque
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAIBABA sa mga line agencies o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng P165 billion Bayanihan 2 law funds.
Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na nabigo ang pamahalaan na gamitin ang mahigit na P6 bilyong halaga ng Bayanihan 2 funds na napaso na nitong Hunyo 30.
“Lahat ng pondo ng Bayanihan 2 ay naibaba sa line agencies,” ayon kay Sec. Roque,
“They were given until July 15 to report back to the DBM how much were unspent, so we call on the Vice President to wait for this report before making conclusions,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, bukod kay Robredo ay sinabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman na sa kabila ng maraming pangangailangan ng mga Pilipino dulot ng pandemya, nabigo umano ang gobyerno na gamitin ang lahat ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Arise As One (Bayanihan 2) para matulungan ang mga nangangailangan.
Ipinunto ni Lagman na kulang na nga ang pondo ng gobyerno ay nabigo pa itong gastusin sa mga proyekto na makatutulong sa paglaban sa pandemya.
Naglaan ang Kongreso ng P165.5 bilyon sa ilalim ng Bayanihan 2 upang madagdagan ang panggastos sa mga proyekto at programa laban sa COVID-19 pandemic mula Setyembre 11, 2020 hanggang Disyembre 19, 2020.
Dahil malaking pondo pa ang hindi nagastos bago matapos ang 2020, nagpasa ang Kongreso ng panukala upang magamit pa ang pondo hanggang Hunyo 30, 2021.
Hindi umapela ang Malacañang na muling palawigin ang Bayanihan 2. (Daris Jose)
-
Masaya na marami silang natulungang movie workers: Sen. BONG, nangakong bubuhayin ang pelikulang Pilipino
MARAMING pulitiko ang nagbigay ng kanilang oras at panahon para dumalo sa event ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’ na ginanap noong Linggo, October 11 sa Philippine Sports Arena, Pasig City tulad nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congw. Lani Mercado, Rep Erwin Tulfo, dating DILG Sec. Benhur Abalos, Pasig Cong. Roman Romulo, at QC Cong. […]
-
Bonus na lang sa stars ang acting awards: ALLEN, mas gustong kumita ang movie para makabawi ang producers
BILANG isang multi-awarded actor, parehong mahalaga kay Allen Dizon ang box office at acting award. “In terms of producer, siyempre dapat box office, in terms of ako bilang artista, siyempre award. “Pero sana both, di ba? May mga kita na yung producer and may award pa ang mga artista. “Sana… para sa […]
-
Ben&Ben nanguna sa bandang pinakikinggan ng Spotify
Nanguna ang bandang Ben&Ben sa most streamed artist sa Spotify ngayong taon sa bansa. Ayon as streaming platform nakuha ng 9-member group ang unang puwesto sa international at local act base na rin sa kanilang tally. Sumunod sa kanila ang singer na si Moira dela Torre, Matthaois, December Avenue at Parokya ni Edgar […]