Bayanihan 3 Relief Package Bill, pasado na sa 2nd reading – Cong. Tiangco
- Published on May 29, 2021
- by @peoplesbalita
MASAYANG inanunsyo ni Navotas Congressman John Rey Tiangco na pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang “Bayanihan to Arise as One Act” o “Bayanihan 3 Relief Package Bill”.
Ayon kay Cong. Tiangco, bilang co-author ng panukalang batas na ito ay batid niya na maghatid ng ayuda sa bawat Pilipino at magpaabot ng kalinga at tulong sa mga sektor na higit na apektado ng pandemya gaya ng mga pinakamahihirap sa atin at mga nawalan ng trabaho.
Kung maisasabatas, ito’y nagtatakda ng ng Php 1,000 financial assistance o ayuda sa lahat ng 108 Million Filipinos, ano man ang estado sa buhay.
Nais din nitong palakasin ang kakayahan ng agri-fishery sector para sa seguridad ng pagkain sa buong bansa at iba pang mga programang pang-nutrisyon.
“May mga itinatakda din pong mga karagdagang suporta ang Bayanihan 3 bill para sa Basic Education katulad ng internet allowances for students and teachers, pension para sa retired military at personnel in uniform, mga libreng RT-PCR tests para sa mga OFWs at Seafarers, tulong sa mga LGU, at iba pang mga solusyon na tutugon sa mga hamong dala ng pandemya sa ating bansa” pahayag ni Cong. JRT.
“Ipagdasal po natin na maipasa ang Bayanihan 3 Act sa lalong madaling panahon”, dagdag niya. (Richard Mesa)
-
Tiu Laurel, ipinag-utos sa BFAR na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng Bataan oil spill
IPINAG-UTOS ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), araw ng Miyerkules na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill mula sa tumaob na motor tanker na Terra Nova sa Bataan. Sinabi ni Tiu Laurel , kasalukuyan na ngayong Ina-assess ng BFAR ang […]
-
NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus
Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus. Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics. […]
-
DTI Sec. Lopez, nagpositibo sa COVID-19
Naka-isolate na si Trade Sec. Ramon Lopez, makaraang magpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Mismong si Lopez ang nagkumpirma ng impormasyon, matapos niyang matanggap ang resulta ng ginawang pagsusuri. Agad namang nagsagawa ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng kalihim, nitong mga nakaraang araw. Kaugnay nito, pinawi ng opisyal ang pangamba ng […]