Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na
- Published on July 23, 2022
- by @peoplesbalita
MULING magbabalik ang Bayanihan e-Konsulta na sinimulan ni former Vice President Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-government organization na Angat Buhay NGO.
Ang Bayanihan e-Konsulta, na inilunsad ni Robredo bilang responde sa paglala ng pandemiya sa bansa, ay isang telecommunication medical service na nagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyente at sa mga nahawaan ng COVID-19 sa tulong ng mga volunteer doctors.
“Dahil sa pagdami na naman ng COVID cases dito sa atin, magbubukas pong muli ang Bayanihan e-Konsulta,” inihayag ni Robredo sa kanyang Facebook page.
Mahigit 1,100 na Filipino na ang naghayag ng kagustuhan mag-volunteer, higit sa 50 non-medical at 40 medical volunteers na hinanap ng NGO nang buksan muli ang programa.
“In less than 20 minutes, 1,100 volunteers already signed up for the resumption of Bayanihan e-Konsulta. Thank you. The spirit of volunteerism is alive and well,” sinabi ng former president sa kanyang Twitter account.
Mananatiling nasa remote setup o work-from-home pa rin ang lahat ng volunteers. Nanawagan si Robredo sa lahat ng gustong sumali na siguraduhin na may sariling computer, at internet connection para sa e-konsulta.
Sa mga gustong sumali, maaring sagutan ang form na ito bit.ly/ABekonsulta, at ito naman kung ikaw ay isang medical volunteer bit.ly/ABekonsultadocs.
Unang inilunsad ang Bayanihan e-Konsulta noong April 2021 matapos tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa na nagresulta sa isa na namang lockdown sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. (Daris Jose)
-
Sara Duterte nagbitiw sa ‘Hugpong’ sumali sa partidong Lakas- CMD
Ilang araw bago ang deadline ng election substitution sa ika-15 ng Nobyembre, naghain na ng kanyang resignation si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio mula sa kanilang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP). Kinumpirma ng HNP ang balita sa pamamagitan ng kanilang secretary general na si Anthony del Rosario sa isang pahayag, Huwebes. […]
-
‘Trabaho Para sa Bayan Act’ pirmado na ni Marcos
PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong batas na “Trabaho Para sa Bayan Act” na naglalayong tugunan ang unemployment at underemployment at iba pang hamon sa sektor ng paggawa. Layon ng Senate Bill no. 11962 na pangunahing akda ni Senate Majority Joel Villanueva, na palakasin ang employability at competitiveness ng Pinoy […]
-
PH swak na destinasyon ng dayuhang pamumuhunan dahil sa lakas nito, pagkakaisa ng ASEAN
PERPEKTONG destinasyon umano ng dayuhang pamumuhunan ang Pilipinas dahil sa malakas na ekonomiya nito at mga repormang ipinatutupad para mas maging bukas ang ekonomiya kasabay ng magandang pagsasama ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Sinabi ni Romualdez na bagamat magkakaiba ang kultura, wika, […]