Bb. Pilipinas International HANNAH, nagpasalamat sa ex-boyfriend na si MARLO na palaging nakasuporta
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL sa pinost ni Marlo Mortel sa kanyang Instagram account na throwback pictures nila ng bagong crowned na 2021 Binibining Pilipinas International na si Hannah Arnold at may caption ito na, “So proud of this one! Hard work, dedication and a compassionate heart truly pays off. From this pic last 2015, I’ve seen how you’ve grown to become the Queen that you were destined to be. You are beautiful in and out and I can’t wait to see you shine and inspire us even more. The world is ready for you, our #MissInternational.”
Nag-reply si Hannah sa post na ito ni Marlo at nagpasalamat sa singer/actor.
Aniya, “Omg throwback pics Hahahaha! Thank you Marlowe. So grateful for your support since 2014!!!”
Ilan sa mga followers ni Marlo ang nag-comment na sana silang dalawa na lang daw.
At ‘yun nga, nang makausap namin si Marlo, naging ex-girlfriend nga pala niya si Hannah. At ilan sa mga kanta niya na ni-release niya ngayong pandemic ay isinulat niya with Hannah on his thoughts.
Two years din tumagal ang relasyon nila, pero feeling ni Marlo, pareho raw nilang hindi kinaya ang LDR o long-distance relationship kaya hindi nag-work.
Obviously, friends pa rin sila at supportive sa isa’t-isa.
At hindi pa man, may disclaimer na agad si Marlo na ba paratangan siyang ginagamit ang ex dahil panlaban na ito sa Miss International.
Ipinaliwanag niya na even before ng pageant, na-explain na raw nila sa kanyang KUMU ang naging relationship nila nang bigla raw mag-greet sa KUMU live niya ang ex-girlfriend.
***
BASE sa inilabas na data ng LionHeartTV para sa Highest Grossing Filipino Movie Star, true to his title, unkaboggable pa rin talaga si Vice Ganda.
Nag-base sa official box-office records and official records of production, si Vice Ganda pa rin ang may pinakamalaking box-office result with the combined income ng mga movies nila from 2010.
4.5 billion ang record na nabuo ni Vice habang 3.8 billion si Kathryn Bernardo at 3.5 billion naman si Daniel Padilla.
Sabagay, anim na beses ngang pinarangalan na Box-Office King si Vice ng Guillermo…so, lumalabas silang tatlo ang top highest grossing Filipino artists with Vice being number one pa rin.
(ROSE GARCIA)
-
“WHERE THE CRAWDADS SING” UNVEILS GRIPPING NEW TRAILER
“WHERE THE CRAWDADS SING” UNVEILS GRIPPING NEW TRAILER WHERE the mysteries lie. Where the secrets are buried. Where the crawdads sing. Watch the new trailer of Columbia Pictures’ Where the Crawdads Sing, featuring the new original song by Taylor Swift. Uncover the mystery, exclusively in cinemas across the Philippines soon. […]
-
Caloocan LGU, nagbigay ng libreng medical at legal services sa mga PDL
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng mga libreng medical at legal services para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Caloocan City Jail. Umabot sa 150 PDL ang nakinabang ng libreng dental at dermatological health services na isinagawa ng City Health Department (CHD) at ng Caloocan City Medical Center (CCMC), kabilang ang mga konsultasyon […]
-
P500 ayuda sa mahihirap ipapamahagi na
IPAMAMAHAGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P500 subsidy sa mga mahihirap na pamilya bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30. Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, inaayos na lamang nila ngayon ang mga kaukulang dokumento para maipamahagi na ang ayuda. Nasa 12.4 milyong […]