• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BBM bigong humarap sa disqualification hearing

BIGONG makaharap sa pagdinig ng Commission on Elections First Division si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa tatlong ‘disqualification case’ na inihain laban sa kaniya upang mapigilang tumakbo sa 2022 Elections.

 

 

Kabilang sa mga dininig kahapon ay ang petisyon nina Bonifacio Ilagan, Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), at ilang religious at youth rights advocates; petisyon ng Akbayan Citizens’ Action Party; at petisyon ng isang Abubakar Mangelen, nagpakilalang halal na chairman ng Partido Federal ng Pilipinas.

 

 

Unang sinabi ni Atty. Hanna Barcena, abogado ni Marcos, na hindi makadadalo sa Zoom hearing ang kaniyang kliyente dahil masama ang pakiramdam. Binigyan umano siya ng buong awtoridad para irepresenta si Marcos sa pagdinig.

 

 

Hindi naman ito kinagat ni Commissioner Rowena Guanzon na iginiit na kailangang magpakita mismo si Marcos sa Zoom video kahit na naka-quarantine siya. Nagbabala ang komisyuner na agad na isusumite na ang kaso para sa resolusyon ng walang panig ni Marcos kung hindi dadalo sa hearing ng walang iprinipresenta na medical certificate.

 

 

Dito umabot ng higit isang oras na paghihintay dahil sa kinailangan pang maghintay para sa medical certificate.  Nang ipresenta ng doktor ni Marcos, nakasaad dito na binisita siya ng manggagamot nitong Huwebes at may pamamaga sa kaniyang lalamunan, at nasa 37.8 degrees Celsius ang temperatura.

 

 

Ikinatwiran ng kampo ni Marcos na nalantad siya sa dalawang tao na nagpositibo sa COVID-19 kaya kinaila­ngan niya na mag-isolate.

 

 

Nang tanungin kung bakit hindi makaharap sa video kahit hindi magsalita, ikinatwiran ni Barcena na natatakot umano sila na maaaring maging dahilan si Marcos para makapagpakalat ng virus.

 

 

Dahil dito, inatasan ni Guanzon ang kampo ni Marcos na magsumite sa loob ng 24 na oras ng manipestasyon kasama ang kaniyang medical certificate habang ang kampo nina Ilagan at Akbayan ay inatasan na magsumite naman ng memoranda. Tuluyan namang gagawaran ng resolusyon ang petisyon ni Mangalen na hindi nakadalo sa pagdinig.

 

 

Ikinatwiran ng kampo ni Marcos na nalantad siya sa dalawang tao na nagpositibo sa COVID-19 kaya kinaila­ngan niya na mag-isolate.

 

 

Nang tanungin kung bakit hindi makaharap sa video kahit hindi magsalita, ikinatwiran ni Barcena na natatakot umano sila na maaaring maging dahilan si Marcos para makapagpakalat ng virus.

Other News
  • Masterlist ng mga babakunahan ng COVID -19 vaccine, inihahanda na

    KINUKUHA na ngayon ng Department of Health (DoH) ang lahat ng mga pangalan ng health workers sa buong bansa.   Ito’y bilang paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na pagtuturok ng bakuna kontra Covid-19.   Sinabi ni Testing Czar Secretary Vince Dizon, may ginagawa ng koordinasyon ang DOH sa iba’t ibang pagamutan ganundin sa Local Government […]

  • Next admin, suportado ni Bong Go

    BILANG  nagpapatuloy na senador, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na susuportahan niya ang bagong papasok na administrasyong Bongbong Marcos at Sara Duterte, lalo ang pagpapatuloy ng magagandang programa na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Naunang umapela si Go sa mga Pilipino na itaguyod ang kasagraduhan at igalang ang resulta ng katatapos na […]

  • Big time oil price rollback, inaasahan naman next week – DOE

    INANUNSYO ng Department of Energy (DOE) na sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng big time oil price rollback.     Ayon kay Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, hindi pa nila masabi sa ngayon kung magkano ang ibabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.   […]