BBM, nangako ng maayos na internet connections sa mga malalayong lugar
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
IPAGPAPATULOY ng gobyernong Marcos ang paglalagay ng internet connections sa mga malalayong lugar.
Ito ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na ang access sa web ay itinuturing nitong ” post-pandemic must-have.”
Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay matapos na makiisa siya sa Zoom call sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga stakeholders ng departamento.
“Gusto kong subukan kung talagang yung sinasabi sa akin ni Sec. Ivan (John Uy) e talagang gumagana,” ang pahayag ni Pangulong Marcos, tinawag pabango kanyang sarili na gatecrasher sa Zoom call.
“Mukha namang marami na tayong nalagyan ng bagong connection para may internet na sila ngayon… Lalo na ‘yung malalayo dahil yan ang mas may kailangan, lalo na yung mga bata para sa kanilang eskuwela,” ang wika ng Pangulo.
“Umpisa pa lang ito. Gagawin natin ito para masabi natin na lahat ng Pinoy kayang kausapin lahat ng ibang Pinoy,” dagdag na pahayag nito.
Binati naman ng Punong Ehekutibo ang DICT para sa free WiFi project nito.
Tinuran ng Pangulo na ang bagong kondisyon na inilagay ng mga ito ay “working nicely.”
“Yung iba’t ibang lugar nagkaroon na ng internet kaya’t dadagdagan pa natin,” ani Pangulong Marcos.
“Buti na lang maraming bagong teknolohiya na puwede nating gamitin na we are taking advantage of para naman sa buong Pilipinas ay makaramdam tayo ng connectivity at napaka importante ngayon niyan,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Sinasabing, pangunahing target sa libreng internet services ayon kay Pangulong Marcos ang mga lugar na kahit access sa mobile cellular services ay hindi available.
Nitong December 24 nang pinangunahan ni Pangulong Marcos ang virtual rollout ng “Broadband ng Masa” Program para sa mga mag-aaral at mga guro mula sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS). (Daris Jose)
-
PBBM, nakukulangan sa mga benepisyo ng mga nars sa bansa
NAKUKULANGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nurses o nars sa bansa lalo pa’t iba ang ibinibigay na serbisyo at sakripisyo ng mga ito matiyak lamang ang kaligtasan ng publiko. Sa naging talumpati ng Pangulo sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association, sinabi ni Pangulong Marcos […]
-
‘Unpregnant’ Premieres in Asia Exclusively On HBO and HBO GO
HBO Max and WarnerMax’s original feature film, Unpregnant, adapted from the young adult HarperCollins novel of the same name, will premiere in Asia for the first time on 6 February at 9pm exclusively on HBO GO and HBO. Starring Haley Lu Richardson (“Split”; “Five Feet Apart”) and Barbie Ferreira (HBO’s “Euphoria”), the film offers […]
-
PSG, walang natatanggap na direktang banta o security threat sa unang SONA ni PBBM
WALANG natatanggap ang Presidential Security Group (PSG) na banta sa seguridad para sa unang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “None at the moment” ang tugon ni senior military assistant at Presidential Security Group (PSG) commander Col. Ramon Zagala sa tanong kung may nakikita silang […]