BEA, gusto sanang makatrabaho si ALDEN sa teleserye dahil ‘di pa matutuloy ang movie pero malabong mangyari
- Published on August 4, 2021
- by @peoplesbalita
PABALIK na ng bansa ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo, kasama ang boyfriend na si Dominique Roque at back to work na raw siya.
Balitang may teleserye siyang gagawin sa GMA Network, at totoo kayang si Alden Richards ang gusto niyang makatrabaho dahil malabo pa raw ang movie na dapat nilang pagtatambalan dahil gusto ng mga producers, gagawin nila ito kung maipapalabas na ito sa mga sinehan.
Hanggang sa ngayon ay wala pang kasiguruhan kung kailan muling mabubuksan ang mga movie theaters dahil sa pandemic.
Pero malabo raw na si Alden ang makatambal niya, dahil sa ngayon ay patuloy pa rin ang lock-in taping nina Alden ng The World Between Us at kung hindi rin kami nagkakamali, one teleserye a year lamang ang gagawin ni Alden sa GMA.
***
NAKAHANDA nang magbiyahe abroad si Kapuso Drama King Dennis Trillo, ngayong tapos na tapos na ang taping nila ng gabi-gabing sinusubaybayan sa GMA Telebabad, ang cultural drama series na Legal Wives.
Kaya siniguro na niyang dadalo siya sa coming 78th Venice Film Festival na gaganapin sa Venice, Italy, simula sa September 1 hanggang September 11. In competition ang movie niyang On The Job: The Missing 8 ng Reality Entertainment, Inc.
Nasa panahon pa tayo ng pandemic at mas mahigpit ang pagbibiyahe, pero handa raw silang sumunod sa health protocols sa pag-alis at pagbalik nila ng bansa.
“Inaayos na namin ang schedule sa pagpunta sa Venice,” sabi ni Dennis.
“Sanay na rin kasi akong bumiyahe ngayong panahong ito, fully vaccinated na rin po ako at sumusunod ako sa mandatory quarantine.”
Ang On The Job: The Missing 8, ay sequel ng On The Job na ipinalabas na sa mga sinehan in 2013. Masaya rin si Dennis na sa month of September, ipalalabas sa HBO ang movie in six-part series at isa raw malaking karangalan iyon sa kanya.
Hindi umaasa si Dennis na ma-nominate siya. Sapat na raw sa kanya na maka-attend ng festival at makita nang personal ang mga idolo niya at mapansin ang trabaho niya at ng Reality Entertainment.
***
SUPORTADO ang new Kapuso star na si Claire Castro ng parents niyang sina Diego Castro at Raven Villanueva, former Kapuso stars din, sa daring role na ginagampanan niya sa bagong GMA Afternoon Prime na Nagbabagang Luha, na kasama niya sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz.
Sa world premiere last Monday, August 2, nagpaka-daring na agad si Claire sa role na dating ginampanan ni Alice Dixson.
Sa interview kay Claire para sa serye, inamin niyang comfortable naman siya sa role na ibinigay sa kanya dahil gusto niyang ma-challenge sa very daring at sexy role na ibinigay sa kanya, kasi very opposite si Claire sa character ni Cielo sa story.
Kuwento pa ni Claire, na-starstruck siya sa director-actress na si Ms. Gina Alajar.
“Happy rin po ako na madali kong nakakausap ang mga co-stars ko at nahihingan ko sila ng advice, si Glaiza, parang tunay kong ate, at madalas na magkaeksena kaya gina-guide po niya ako kung medyo mahirap ang kinukunan sa amin.”
Proud daw naman ang parents niya sa pagsisikap niyang masundan ang mga yapak nila. Matatandaang unang napanood sina Diego at Raven sa T.G.I.S. noong 90’s
Matagal-tagal na raw hindi nakakausap ni Claire ang parents niya dahil pare-pareho silang busy at nag-lock-in taping pa nga siya.
Ang Nagbabagang Luha ay napapanood Mondays to Saturdays after ng Eat Bulaga sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
400 bilang ng reklamo ng vote buying at abuse of state resources, naitala
MAHIGIT 400 reklamo ng vote buying at abuse of state resources (ASR) ang iniulat bago ang May 12 midterm elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec-Committee on Kontra-Bigay chairperson Commissioner Ernesto Maceda sa Meet The Manila Press na may kabuuang 439 vot buying at ASR ang inihain hanggang noong May 8. Sa […]
-
Tumigil na rin sa pag-iinom at paninigarilyo: BILLY, nilinaw na hindi droga ang dahilan ng pagpayat
“HINDI po ako adik!” Iyan ang bulalas ni Billy Crawford bilang paglilinaw sa mga kumakalat na fake news tungkol sa rason ng pagpayat niya. Ayon pa kay Billy, “I’m living my life to the fullest right now.” Noon pa raw siya naiisyuhan tungkol sa kanyang itsura. “It’s a […]
-
SUNSHINE, tahimik lang sa balitang lumipat na ng ABS-CBN; unang serye, makakasama sina PAULO at JANINE
TAHIMIK lang ang actress na si Sunshine Dizon kahit na naglalabasan na ang mga balitang lumipat na siya ng ABS-CBN mula sa pagiging isang Kapuso. Ang daming nagulat sa totoo lang bilang si Sunshine ang isa sa masasabing Kapuso all through-out her career. Wala rin statement na inilalabas pa ang kanyang […]