• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BEA, halatang-halata naman na si DOMINIC ang karelasyon kahit ‘di umamin

KAHIT na hindi umamin nina Bea Alonzo at Dominic Roque, halatang-halata naman na si Dominic talaga ang karelasyon ni Bea.

 

 

At palagay namin, may isang taon o mahigit na rin sila. Simula pa ito nang mapansin din naming sa kanilang mga social media post.

 

 

Matagal nang nali-link ang dalawa. Ilang sightings na rin sa kanila. Meron pa ngang event sa pamilya ni Dominic na hinihinala ng fan na kasama talaga sa picture si Bea, pero nang i-post ng side ni Dominic, hindi isinama si Bea.

 

 

Maingat na rin silang dalawa na siguro maging pribado lang kung ano man ang meron sa relasyon nila. Yun nga lang, nagpo-post si Bea na siya lang. Nagpu-post din si Dominic na siya lang.

 

 

Kaso, katulad ngayon na obvious naman na pareho silang nasa Amanpulo, mereseng solo lagi ang mga posting nila, halata naman sa background at location, pati na sa time element na nasa isang lugar silang dalawa.

 

 

Kung magiging open man sina Bea at Dominic, wala namang masama dahil pareho naman silang single. Hindi rin naman siguro nila kailangang i-please yung mga ilang hindi pabor. Mababasa rin kasi sa mga comments na parang minamaliit si Dominic kumpara kay Bea.

 

 

Nandiyang may mga comments pa nga na kesyo si Bea raw siguro ang nagbayad ng trip nila. Meron pang nagsabi na ang liit ni Dominic for Bea physically na hindi raw bagay ang dalawa at kung ano-ano pa.

 

 

Pero, may mga nagtatanggol din kay Dominic at sinasabing hindi man daw ito kasing-yaman at sikat ni Bea, ilang beses na raw itong nakapag-Europe at racer rin. Puwedeng outside showbiz, mas don daw siguro ang source of income ng actor.

 

 

***

 

 

UNA at huli raw ng Kapuso artist na si Lindsay de Vera na magsasalita.

 

 

Siya ang naiintrigang buntis.

 

 

Nangyari ito sa ‘Chika Minute’ sa interview ni Lhar Santiago at buong ningning niyang itinanggi na siya ay nagdadalang-tao at ang iniintriga ngang ama ay kesyo ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

 

Pinaliwanag pa nito ang timeline na nagkasama sila ni Dingdong which was Alyas Robinhood and after that, gumawa pa raw siya ng ibang soap. Sana raw, kung nabuntis siya, noon at nakita talaga ng mga tao.

 

Tahasan niyang sinabi na walang ano mang namamagitan o namagitan sa sa kanila ni Dingdong na ang tawag niya ay Kuya Dong. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng absence niya sa showbiz ay pinili raw niyang i-prioritize muna ang pag-aaral niya.

 

 

Matapang din nitong sinabi na nakikipag-usap na siya sa lawyer niya at plano niyang dalhin sa korte ang nagkakalat daw ng isyu na buntis siya.

 

 

Yun nga lang, marami pa rin talaga ang hindi nakakakilala rito at sa halip na tungkol sa isyu, sangkaterbang “Da Who” ang comment na nababasa namin bukod pa sa mas naging kapansin-pansin sa mga netizens ang pagsusuot nito ng mask sa maling paraan. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Diringgin na ang reklamo ng Paradigm laban kay Manny Pacquiao

    NAKATAKDANG dumaan sa paglilitis ang kasong kinasasangkutan ni Filipino boxing legend Manny “Pacman” Pacquiao na isinampa ng Paradigm Sports Management ni founder at CEO Audie Attar sa darating na Marso 3 sa California sa Amerika.   Ayon sa inilabas na statement ni Attar mula sa inilathala ng badlefthook.com ni Scott Christ, nalalapit na umano ang […]

  • SHARON, nalungkot na naman dahil kailangan ng bumalik ni FRANKIE sa New York para mag-aral

    MALUNGKOT ang araw ni Megastar Sharon Cuneta last Wednesday, August 25, at kahit ang balitang nag-number 3 sa ranking ang movie niyang Revirginized sa Google Play ay hindi nawala ang lungkot niya.      Instagram post ni Sharon:   “My Kakie, my Baba (eldest daughter nila ni Senator Kiko Pangilinan), is flying back to New […]

  • Tambalang Sara-Go sa Eleksyon 2022, binuking ni PDu30

    IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipintong pagtatambal nina Davao City Mayor Sara Duterte at Senator Christopher “Bong” Go para sa dalawang “top government posts” sa May 9, 2022 elections.   Kinumpirma mismo ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa labas ng Sofitel Hotel sa Pasay City, araw ng Sabado ang bagay na […]