• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BEA, natupad na ang dream na maka-duet si JULIE ANNE sa ‘All-Out Sundays’; ramdam ang warm welcome ng mga Kapuso stars

SUMABAK na ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo sa live presentation kahapon, October 3, sa All-Out Sundays.

 

 

Sabay ang pag-welcome kay Bea ng mga Kapuso stars, at birthday celebration niya. May magandang singing voice si Bea, dream daw niyang maka-duet si Julie Anne San Jose, na natupad naman dahil iyon ang special number nila, kasama ang ibang Kapuso actresses.

 

 

Si Bianca Umali, natupad ang wish na maka-duet naman si Bea, ganundin si Barbie Forteza na tuwang-tuwa si Bea sa kakulitan nito.  Nakasama rin ni Bea sa prod.        number sina Andrea Torres, Max Collins, Rhian Ramos at Gabbi Garcia. 

 

 

Taped naman ang pag-welcome nina Dingdong Dantes at Alden Richards na naka-lock-in taping pa rin ng The World Between Us.

 

 

May taped questions naman sina Ai Ai delas Alas, Pokwang at Marian Rivera, na kung siya raw ay ipagluluto niya ng menudo na recipe ng Lola Iska niya, si Bea naman ay ipagluluto niya ng caldereta si Marian na recipe rin ng kanyang lola.

 

 

Open naman si Bea kung anong project ang ibibigay sa kanya ng GMA, kahit comedy ita-try niyang gawin.

 

 

Kung sino raw ang nagpapasaya sa kanya, diretsong sagot ni Bea ay ang boyfriend na si Dominic Roque, at sa GMA Network sa warm welcome na ibinigay sa kanya.

 

 

***

 

 

MARAMING netizens ang nagtatanong kung nagpakasal na raw ang engaged couple na sina Kapuso actress Glaiza de Castro at David Rainey, based sa kanyang Instagram post habang magkasama sila sa Barcelona, Spain, kung saan sila nag-meet?

 

 

Caption ni Glaiza: “I can still remember the day we said our goobyes at the airport just weeks after getting engaged – all that wondering, worrying when will we see each other again.  But here we are now, meeting in an unexpected country, exploring the world together.  Better days are here.”

 

 

Nagpasalamat si Glaiza sa travel agency na tumulong sa kanya to sort out ng mga right documents for the trip, nagpasalamat din siya sa family nila ni David for their support and prayers.

 

 

December, 2020 sila na-engage, bumalik dito si Glaiza, at tinapos ang  taping ng GMA Afternoon Prime series nilang Nagbabagang Luha ni Rayver Cruz, habang hinihintay niya muling makapag-travel.

 

 

May mga tinanong kaming close kay Glaiza at hindi man nila sinagot kung totoong nagpakasal na sina Glaiza sa Spain, tiyak daw namang magpapakasal sila rito sa Pilipinas, tulad nang sabi noon ni Glaiza.

 

 

Ngayon ay nasa Ireland na sina Glaiza at David.

 

 

***

 

 

IT’S good na maraming artista at celebrities natin ang gustong makaboto sa 2022 national elections, lalo na iyong mga first time voters.

 

 

Ang mga kababayan naman natin na nasa abroad ay boboto sa Philippine Consulate kung nasaan sila.

 

 

Kaya nga si KC Concepcion na kasalukuyang nasa Los Angeles, California ay nagdesisyon nang doon bumoto dahil gusto niyang tapusin ang studies niya on Gemology, dahil ang business niya ay tungkol sa jewelry.

 

 

At para makaboto si KC sa LA: “I had to transfer my overseas voting registration from Paris, France (where I was registered as an overseas voter) to LA (since I plan to vote from here.) Register to vote – it will make a difference. God bless the Philippines.”

 

 

Isa ang stepfather ni KC, si Senator Francis Pangilinan, na muling kakandidatong senador sa coming 2022 elections.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • NFL star Tom Brady muling maglalaro matapos ang 2 buwang magretiro

    INANUNSYO ni NFL star Tom Brady na ito ay muling maglalaro.     Ito ay dalawang buwan matapos ang anunsiyo nitong tuluyang pagreretiro.     Sa kanyang Instagram account ay sinabi nito na matapos ang pamamahinga ng dalawang buwan ay napagtanto niya na nasa football field ang kaniyang puso.     Kaya ito maglalaro sa […]

  • 130K PUV drivers, tumanggap na ng fuel subsidy sa LTFRB

    NASA 130,000 driver ng mga pampublikong sasakyan ang naki­nabang sa tig-P6,500 na fuel subsidy mula sa pamahalaan.       Ang naturang ha­laga ay mahigit sa kabuuang P840 milyon na naipalabas dito ng gobyerno.       Ayon sa Land Trans­portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng fuel subsidy […]

  • Pastor Apollo Quiboloy nasa wanted list na ng FBI

    NASA wanted list na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder at pastor Apollo Carreon Quiboloy at dalawang miyembro ng simbahan.     Sa inilabas na wanted poster ng FBI, makikita ang larawan ni Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.     Nahaharap kasi sa kaso si Quiboloy […]