BEA, sasagutin ang ilan sa mga pinakamahihirap na tanong sa ‘TBATS’; guestings muna habang hinihintay si ALDEN
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
SIMULA na ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo ng pagtatrabaho sa GMA Network, pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract last July 1.
Miss na rin daw magtrabaho ni Bea after nilang bumalik sa short US vacation kasama ang boyfriend na si Dominic Roque.
Kaya humanda na sa good vibes sa Sunday, September 12, sa first TV guesting ni Bea sa The Boobay and Tekla Show. No holds barred ang interview nina Boobay at Tekla sa “May Pa-Presscon” segment ng show na sasagutin lahat ni Bea ang ilan sa mga pinakamahihirap na questions mula sa kanyang heartbreak, ang relationship status nila ni Dominic at ang career plans sa kanya ng GMA.
Game na game din si Bea sa pagkanta sa “Birit Showdown” na she will sing ng mga top hits ni Adele.
Ang TBATS ay napapanood every Sunday after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.
Malamang hindi ito ang unang paggi-guest ni Bea sa GMA shows, habang hinihintay niyang matapos ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang lock-in taping nito ng teleseryeng The World Between Us nila nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.
Magtatambal sina Bea at Alden sa Philippine adaptation ng isang top Korean movie.
***
THANKFUL si Kapuso Drama Actor Dennis Trillo at ang bumubuo ng GMA Primetime series na Legal Wives dahil sa patuloy na mataas na rating na natatanggap nila mula sa mga televiewers na sumusubaybay sa serye.
Last Tuesday, September 7, nakatanggap sila ng 16.0 percent mula sa Nielsem Philippines NUTAM People’s Ratings (Combined) laban sa katapat nilang FPJ’s Ang Probinsyano, na nakakuha ng 12.7 percent.
“Shukran” o salamat, ang ipinaabot ng serye sa lahat ng sumusubaybay sa kanila.
Matitindi na kasi ang mga eksenang napapanood ngayon sa Legal Wives, dahil may tension na sa dalawang legal wives ni Ismael (Dennis) na sina Diane (Andea Torres) at Amirah (Alice Dixson) at papasok pa ang problema ni Farrah (Bianca Umali) na nag-offer na rin si Ismael na pakasalan niya.
Mas maagang napapanood ngayon ang Legal Wives, gabi-gabi after 24 Oras.
***
SUNUD-SUNOD ang blessings na dumarating kay Kapuso actress-host Camille Prats.
Bukod kasi sa daily morning show nila ni Iya Villania, ang Mars Pa More, at ang Makulay ang Buhay napapanood every Saturday at 9:45 am at Tuesday, 8:00 am, sa GMA-7, si Camille din ang kinuhang mag-host ng “Knorr Nutri-Sarap Kitchen,” nang mag-partner ang GMA Network at Knorr para magpakita kung paano mag-serve ng nutritious and delicious meals.
Magsisimula ang show sa Sunday, September 12, 10:05 am sa GMA-7, na magpi-feature si Camille ng success stories ng mga Pinoy na “laki sa Knorr” tulad nina Marc Pingris, Doc Jeoffrey ‘Otit’ Mambucon, Teacher Fe Matullano Lustanas and comedienne-entrepreneur Marietta “Pokwang” Subong.
Meanwhile, sa virtual interview ng Knorr, Camille shared na malamang daw ay mag-celebrate na sila ng Christmas sa 5-storey dream house nila ng husband na si VJ Yambao at mga anak nilang sina Nathan (sa first husband niya), Nolan at Nala.
(NORA V. CALDERON)
-
86% ng mga COVID-19 vaccines, naipamahagi na sa mga vaccination sites – DOH
Kinumpirma ng Department of Health na 3,025,600 mula sa 3,525,600 available doses ng coronavirus disease vaccines ang naipamahagi na sa iba’t ibang vaccination sites. Batay sa datos ng DOH at National Task Force Against COVID-19, may kabuuang 1,809,801 doses na ang naipamigay sa publiko. “Eighty-eight percent of the 1,780,400 allocated first […]
-
“No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit
WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya. Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan […]
-
Tumanggap ng papuri sa Korean executive producer ng ‘Start-Up’: ALDEN at BEA, nagpapasalamat na nagustuhan ang Filipino adaptation ng hit series
SURPRISED ang production team ng “Start-Up Philippines” nang tumanggap sila ng papuri mula sa executive producer ng 2020 hit Korean series na “Start-Up” na si Yu Sang-Won. Kaya naman ipinalabas agad ito ng GMA Network sa ‘Chika Minute’ segment ng “24 Oras” last Tuesday, October 18. Message ni Yu Sang-Won: “We […]