• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BEA, wala pang nasimulang project sa GMA dahil sa paghihintay nila ni ALDEN sa movie na pagtatambalan

SA kanyang 16-hectares farm, ang Beati Firma Farm, magpapalipas ng Christmas si Bea Alonzo, with her family, sa Iba, Zambales.

 

 

Hindi na siguro dapat itanong kung kasama ba niya ang boyfriend niyang si Dominic Roque, na sinabi niyang her ‘best blessing.’

 

 

This year lamang naging public ang relasyon nila ni Dominic, kahit matagal na silang magkarelasyon.

 

 

Matatapos ang 2021 na wala pang nasimulang project si Bea sa GMA Network, dahil sa paghihintay nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na masimulan ang movie nilang Special Memory na ipu-produce ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

 

 

Hopefully, sa pagbalik ni Alden mula sa kanyang Christmas vacation by January 9, 2022, ay masimulan na rin nila ang first project nila.

 

 

***

 

 

ANG higpit ng yakap ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa mga anak na sina Zia at Sixto, nang finally ay nakauwi na sila ng bahay ng hubby niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Pagkatapos nga nilang mag-quarantine na mag-asawa pagdating nila sa bansa, after attending the 70th Miss Universe beauty pageant held in Eilat, Israel last December 12.

 

 

Pero bago bumalik ng bansa, sinamantala na ng mag-asawa na i-tour ang Holy City, ang Jerusalem, dahil matagal na raw nasa bucket list nila iyon na isang lugar na gusto nilang mapuntahan.

 

 

Kaya back to being mommy na si Marian to their kids, at sa Instagram stories niya na kasama sina Zia at Sixto, may sticker siyang “Home Sweet Home.”

 

 

Samantala, may short but sweet handwritten note naman si Zia kay Dingdong: “Welcome home, Dada. Love, Zia.”

 

 

Naging busy agad si Dingdong sa pagpu-promote ng movie niyang A Hard Day na entry sa 2021 Metro Manila Film Festival na kasama niya si John Arcilla.

 

 

Produced by Viva Films, at sa direksyon ni Lawrence Fajardo, ang only action movie na kasama sa festival ay mapapanood na simula sa Christmas Day in your favorite theaters.

 

 

***

 

 

IPINASILIP na ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang ipinatatayo nilang future home on a mountain at excited na raw silang lumipat doon, sa pamamagitan ng eighth episode ng kanilang YouTube series na “After All.”

 

 

Seven months ago na nila sinimulan ang ipinatatayong bahay, pero bakit sa ‘bundok’ sila nagpatayo ng bahay?

 

 

      “Pinili namin ang lugar na ito dahil presko ang hangin, sagana sa mga pagkain na maganda para sa aming lumalaking pamilya,” sabi ni Dennis.

 

 

Nakita na sa video na tapos na ang mga rooms ng mga anak nilang sina Calix at Jazz, ang nursery room ng coming baby girl nila, at ang kanilang room na may view deck.

 

 

Very soon ay magsisilang na si Jen ng first child nila ni Dennis.

 

 

***

 

 

MATAPOS aminin ni Kapuso actress Winwyn Marquez na preggy siya ng six months sa media during their press conference ng movie niyang Nelia, na entry sa 2021 Metro Manila Film Festival, nalaman din ng media na napaiyak daw ang ama niya, ang actor na si Joey Marquez. 

 

 

      “My dad was crying, kasi… hindi ko alam kung natakot siya or ano,” sabi  ni Win.

 

 

“Nagulat lamang siya kasi matagal na niya akong tinatanong, kahit ang boyfriend ko, tungkol doon dahil gusto na raw niyang magka-apo. 

 

 

Si Mama rin, gulat na gulat siya.  But they’re very happy for me.  Sabi ko nga, I’m not getting any younger.  Si Daddy, parang tingin niya yata sa akin, baby pa niya, pero gusto na niya na magkaroon ng maliit na Winwyn or maliit na Yeoj, my younger brother.”

 

 

Para kay Winwyn, ang pagkakaroon niya ng baby at ang pelikula niyang Nelia, ang siyang pinakamagandang Christmas gifts na natanggap niya this year.

 

 

“My movie, Nelia, ay first title role ko, and then now, title role of being a mother.”

 

 

Makakasama ni Winwyn sa movie sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado at Lloyd Samartino, sa direksyon naman ni Lester Dimaranan at produced ng A&Q Productions Film.

      (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Health forum hits the mark on the urgency of lung panel testing and personalized treatment to fight lung cancer

    Cancer remains the second leading cause of death in the Philippines, with lung cancer topping the list for cancer- related mortality in the nation. This comes as no surprise as almost a quarter of Filipinos aged 15 years and above smoke cigarettes, increasing the risk of developing lung cancer.       The good news […]

  • PDu30, inaasahan na magdedesisyon sa Abril ukol sa quarantine restriction

    INAASAHAN na magdedesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buwan ng Abril kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng quarantine restrictions.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang ianunsyo ni Pangulong Duterte na siya ay mapangahas na bigyang daan ang muling pagbubukas ng ekonomiya […]

  • Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,280 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.     Nitong […]