BEAUTY, na-meet na ang young actor na si KELVIN na magiging ka-partner sa upcoming mini-series
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
“ONE of my most challenging roles,” ang sagot ni Jim Pebanco when asked to describe his role as a cybersex den operator sa Lockdown.
“Noong nabasa ko pa lang, tuwang-tuwa na ako kasi ang ganda ng role at ang ganda ng script. Kaya pinag-aralan ko talaga mabuti ang script,” sabi ni Jim.
“Dapat iba ito sa ibang roles na nagawa ko na. Sa bawat role na gagawin ko, kailangan may iba akong ipakikita in terms of acting.
“Isa sa eksenang nahirapan ako ay ‘yung Russian Roulette. Nakakatakot yung eksena. Bago naming kinunan ang eksena, pina-check ko talaga na walang bala ‘yung baril. Delikado kasi ang eksena,” kwento ni Jim.
Paano ginampanan ang role mo bilang bading tapos nakita mo halos lahat sa mga co-stars mo?
“Just focus on the role. Kasi pare-pareho kaming kapit sa patalim. Ang iniisip ko we are doing these things for survival.”
Inamin ni Jim na dahil sa pandemya, nagkaroon siya ng depression at anxiety. Pero nakatulong naman daw ang depression niya to add meat to his performance.
Paano ka naapektuhan ng pandemic?
“Nagkaroon ako ng anxiety kasi ‘yung uncertainties. Hanggang kailan kaya ito saka ako kaya ang mangyayari sa atin? Sa totoo lang, muntik na akong masiraan ng ulo. Tapos my sister was dying at that time. “Ayaw na niyang mabuhay. Tapos may iba pa akong mga kapatid na kailangan ko rin tulungan. Nakatulong yun sa role ko kasi naisip survival of the fittest ang kinakaharap ko,” mahabang kwento ni Jim.
When choosing a role, ang kailangan daw ay hindi pa niya ito nagagawa. At kailangan daw ito yung type of role na kailangan niyang pag-isipan.
“Gusto yung roles na nasa edge. Kasi natsa-challenge ako. May mga roles na kaya mong gawin kahit na nakapikit ka pero itong role ko sa Lockdown, pinag-isipan ko talaga kung paano ko gagawin. Hindi ka pwedeng tatanga-tanga.
“Ang maganda naman sa mga co-stars kong mga lalaki, puro game sila. Walang inhibitions.”
Sa cybersex hub ni Jim pumasok ng trabaho si Paolo Gumabao bilang cybersex worker.
May eksena sa movie na dapat ipapasok ni Jim ang kamay niya sa loob ng underwear ni Paolo pero di niya ginawa kahit payag naman ang binata.
“Ako ang nahiya kaya sinalat ko na lang,” natatawang sabi ni Jim.
Hanga si Jim sa tapang ni Paolo sa mga maseselan na eksena, including frontal nudity at kissing scene sa kapwa niya lalaki.
“Game na game siya basta sa ikagaganda ng eksena,” sabi pa ni Jim na nag-enjoy din sa role niya bilang cybersex den operator.
Ready for streaming na ang movie sa KTX.ph.
Official entry ang Lockdown sa Asian Film Festival Barcelona. Ipalalabas din ito sa Indienation section ng Cinemalaya this August.
***
FOR the very first time, nagkita na rin sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.
Magbibida sila sa upcoming mini-series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette under GMA 7.
Si Kelvin ang isa most promising young actors sa Kapuso Network. He was last seen in the top-rating series The Lost Recipe.
Bagong contract star naman ng GMA Network si Beauty.
(RICKY CALDERON)
-
Gov’t rightsizing, makatitipid ng P8.7 billion -DBM
MAAARING makatipid ang gobyerno ng hanggang P8.7 billion sa pamamagitan ng batas na nagkakaloob kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kapangyarihan na i-rightsize ang burukrasya. “Sir, initial data lang po muna. If 3% are rightsized from this program, around P3 billion worth of savings po ang mage-generate,” ang sinabi ni Department of Budget and Management […]
-
Roque at Galvez, sanib-puwersa sa pagsopla kay Leachon
NAGSANIB-puwersa sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. para soplahin si dating NTF Adviser Dr. Tony Leachon makaraang sabihin nito na naniniwala siyang dapat nang i-abolish ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa umano’y ilang desisyon nito na walang scientific basis. “Ang tanong ko ke Dr. Tony Leachon, sir […]
-
Dahil sa pag-arte at pagi-gaming: ALDEN, natatakasan ang mga stress ng buhay
PARA kay Alden Richards, ang acting o pag-arte sa harap ng kamera “is an escape” mula sa mga stress ng buhay. Ano ba ang mga stress ni Alden sa kanyang buhay? “Minsan kasi, of course tayo tao lang, dun nga po pumapasok yung, ‘Tao lang tayo,’ kahit gaano mo katagal i-shield yung sarili […]