BEAUTY, pinatunayan na tama ang pagtanggap ng GMA-7 sa kanyang paglipat; bumagay rin kay KELVIN
- Published on October 1, 2021
- by @peoplesbalita
DALAWANG teleserye na ng GMA Network ang nalalapit nang magtapos.
Ang GMA Afternoon Prime drama na Nagbabagang Luha na nasa last three weeks na lamang, pero ang mga netizens, gustung-gusto nang malaman kung paano mapapatunayan ni Alex (Rayver Cruz) ang mga kasalanang ginawa sa kanya ng obsessed sister-in-law niyang si Cielo (Claire Castro) para paniwalaan siya ng asawang si Maita (Glaiza de Castro) na nagsasabi siya nang totoo.
Napapanood ang serye Mondays to Saturdays at 2:30PM.
Nasa last two weeks na lamang ang monthly teleserye na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, na tinanggap ng mga netizens ang pairing ng bagong Kapuso actress Beauty Gonzalez at ng young Kapuso actor na si Kelvin Miranda.
Pinatunayan daw ni Beauty na tama ang GMA na tanggapin ang paglipat niya sa network, dahil isa siya talagang mahusay na actress. Si Kelvin naman ay cute at malakas ang appeal.
Iba raw ang onscreen chemistry nila, at sana hindi ito ang una at huli nilang pagtatambal.
Napapanood ang serye after ng Nagbabagang Luha.
***
NAGBALIK muli ang award-winning and legendary writer na si Ricky Lee sa GMA Network.
Kasama niya ang kanyang talented ensemble of creative and production teams. Magiging Creative Consultant si Ricky ng network, na magpo-provide siya ng basic and advance workshops sa mga bago at dati nang writers ng Kapuso Network, at will conduct script appreciation workshops for cast members, creative at production people, ng programs na ibibigay sa kanya.
Dati nang ginawa ni Ricky sa network ang mga telesines and movies tulad ng Jose Rizal, Muro-Ami, at Death Row ng GMA Films.
Excited na rin si Ricky na magsimulang magtrabaho.
“It would be nice to work with Dingdong Dantes, Marian Rivera, Jennylyn Mercado, and Alden Richards. Nakatrabaho ko na before si Dennis Trillo, pero gusto ko pa rin siya muling makatrabaho, at nandyan na rin si Bea Alonzo.”
Kung sakaling payagan siyang gumawa ng TV adaptation ng movie, gusto niyang i-remake ang Salome at si Bianca Umali ang napipili niyang gumanap.
“I saw her in ‘Legal Wives’ and I thought she was very good.”
***
SIMULA na muli ang number one musical competition program ng GMA Network, ang The Clash na nasa fourth season na, bukas, October 2.
Panel Judges pa rin sina Asia’s Nigthingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Baladeer Christian Bautista and Comedy Queen Ai Ai delas Alas.
Last October 2020, halos patapos na ang The Clash 3 nang dapuan ng bacterial meningitis si Lani at husband niyang si Noli Misalucha at isa sa result ng sakit nila ay ang possible hearing loss, hindi balanced ang kanilang pandinig. Pero nanatili ang pananalig nina Lani sa Diyos.
“You cannot blame anyone and you cannot even ask God why all of these are happening. May mga dahilan at rason kung bakit namin ito nararanasan.
“Just rely on God’s purpose for you… use it as something that would make you stronger.”
Nagpapasalamat sina Lani na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin sila sa pang-araw-araw na pamumuhay at nakalalakad pa rin sila.
“We are grateful every single day of our lives, because we still have the strength to walk and have this opportunity to work.”
Ang The Clash 4 ay hosted pa rin nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at Journey hosts naman sina Ken Chan at Rita Daniela, every Saturday 7:15PM at every Sunday, 7:40PM sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
Binalikan ang aksidente habang nagti-taping: KATRINA, hindi gagawing libangan ang pagmo-motor
MAGANDA raw ang sitwasyon sa pagitan nina Joem Bascon at Willie Revillame bilang magbiyenang ‘hilaw’, dahil hindi pa kasal ang aktor at si Meryl Soriano. Lahad ni Joem, “Masaya naman po, pero now hindi namin siya masyadong nakikita kasi masyado pa po yatang busy. “Waiting lang naman po ako kay Meme, […]
-
Ads July 12, 2022
-
Tolentino ipapagawa ng bahay ang POC
BALAK sa panahon ng panunungkulan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na mapagtayo ng sariling permanenteng tahanan ang pribadong organisasyon upang hindi maging ‘iskuwater’ sa PhilSports Complex ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Pasig City. Ito ang ipababatid ng opisyal sa mga kasamahan sa organisasyon unang edisyon na unang POC Executive Board […]