Bed capacity ng NKTI at St. Lukes Medical Center napuno na
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Napuno na ang bed capacity ng St. Luke’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institiute.
Ito ay matapos ang patuloy na paglobo ng mga pasyente na dinapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang naitakbo sa pagamutan.
Dahil dito ay naglabas ng pahayag ang dalawang institusyon na lumipat na lamang sa ibang pagamutan ang mga pasyente.
Ayon sa St. Lukes Medical Center, na ang kanilang intensive care unit sa Quezon City at Bonifacio Global City.
Maging ang kanilang mga kama sa emergency rooms ay napuno na rin kahit na dinoble ang kapasidad nito.
Nanawagan naman ng ayuda si NKTI executive director Rose Marie Rosete-Liquete, dahil sa dagsa pa rin ang mga dialysis patients mula sa ibang lugar at napuno na rin ang kanilang emergency room.
Ikinakabahala nito ang mga chronic renal patients dahil sila ay itinataboy sa ibang mga pasilidad.
Magugunitang umabot na sa 174 na mga nurses, neprhologist, internist at medical technologist ang nagpositibo sa coronavirus sa NKTI. (Daris Jose)
-
Namataang Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef hindi magiging dahilan na maulit ang 2012 Scarborough Shoal standoff- Sec. Roque
KUMBINSIDO ang Malakanyang na ang di umano’y naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea ay hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff. Higit 200 Chinese maritime militia vessels kasi ang natuklasang namamalaot sa isang bahagi ng West Philippine […]
-
Nagulat pero thankful sa nagsasabing bagay sa kanya: ANDREA, umaming dream role niya ang ‘Dyesebel’ ever since
NAGSIMULA sa bulung-bulungan at haka-haka, kaya minabuti naming tanungin nang diresto si Andrea Brillantes kung totoo ba na siya ang gaganap sa remake ng ‘Dyesebel’, ang classic na obra maestra ni Mars Ravelo tungkol sa isang magandang sirena. “Actually, nagulat lang din po ako, nakita ko lang po siya sa media, pero thankful po ako […]
-
Ping hinihingan ng P800 milyong ng partido kaya ‘nilaglag’
POSIBLENG dahil sa walang maibigay na P800 milyon na additional funding kaya umano iniwan ng partido ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kandidatura ni Sen. Panfilo Lacson. Ayon kay Lacson, duda siya sa rason na ang results sa pre-election survey ang nagtulak kay Alvarez na lumipat sa kampo ni presidential aspirant at […]