BELA, ipinakilala na rin ang boyfriend na si NORMAN BEN BAY
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
SA wakas ay umamin na rin si Bela Padilla na may boy- friend na siya kasabay ng pagpapakilala niya kay Norman Ben Bay sa kanyang Instagram na may caption na “The one I met in St. Gallen.”
Matatandaan na may ganitong pelikula si Bela na pinagtambalan nila ni Carlo Aquino for Viva Films, ang Meet Me In St. Gallen.
Ang St. Gallen ay nasa Switzerland at doon pala talaga na-meet ni Bela ang boyfriend, pero inilihim muna niya iyon.
Sumunod na post ni Bela ay ang pagbabakasyon nila ng boyfriend sa Turkey at Cappadocia.
Caption ni Bela: “I waited till my swab test result came back negative before posting anything. And I didn’t think I’d leave the country at all this year, but life really has to start moving again.
“As seen in this photo, my head is still up in the clouds in Cappadocia. I’m really super thankful that my job takes me to places I’ve never been before or never thought I’d go to…because honestly, I’m not one to go to touristy places, so Cappadocia was low on my list of places to visit, but now, I consider it one of my safe havens.”
Maswerte si Bela sa mga pelikulang ginawa niya noon pa, dahil madalas ay shoot ito abroad. Kaya tiyak na makakaipon pa siya ng mga tourist spots na mapupuntahan niya kaugnay sa kanyang trabaho. (Nora V. Calderon)
-
Ads December 17, 2020
-
Full Trailer For ‘Rob Zombie’s The Munsters’ Reboot Was Recently Released
THE trailer for Rob Zombie’s The Munsters was recently released, and fans of the classic TV series are extremely divided. Set to release in September 2022, the film serves as a prequel and reboot of the original ’60s television show of the same name, which ran for two seasons. Zombie’s prequel follows the […]
-
SRA ng healthcare workers naipamigay na
Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na naipamahagi na nila ang ‘special risk allowances (SRA)’ ng batches 3 at 4 ng mga healthcare workers sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinabi ni Duque na aabot sa P617.2 milyon ang kabuuang halaga ng SRA na kanilang naipamahagi sa kabuuang 48,226 HCWs nitong Oktubre […]