Beli Bell, Bishop Blue pinagtalunan sa 2020 PHILRACOM
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
NAGDISKUSYON ang dalawang panatiko ng karera para sa nakatakda sa Marso 15 na 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Three-Year-Old Maiden Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Caromona, Cavite.
Halos mag-umbagan na sina Crisostomo Arguelles at Eugene Quiltan na parehong unang softdrinks sa isang tindahan na malapit sa dating karerahan sa Maynila.
Para kay Arguelles, patok aniya ang kabayong si Beli Bell dahil wala pang talo lalo pa’t si star jockey Jonathan Hernandez ang magdadala sa renda nito.
Binara siya ni Quiltan, na kinainisan ni Crisostomo dahil may halong angas ang mga pananalita.
Giniit ni Quiltan na lahat ng super horse sa karerahan ay nakatikim ng pagkabigo bago nagpapanalo. At hinirit niyang si Bishop Blue na ang tatalo sa Beli Bell.
Dahilan para magkasigawan ang dalawa, pero naawat naman agad ng mga nakikinig sa kanila, huminahon lang ang nagdedebate nang susisain sila ng isa pang karerista kung napanood na ang dalawang kabayo sa ensayo.
Pareho ang sagot nina Arguelles at Quiltan, hindi pa.
Makakalaban ng dalawa sina Carttierruo, Cat’s Magic, Drummer Girl, Laguardia, Sky Commander, Top Czar at Zibarawana sa may guaranteed prize na P1.2M racing event na may distansyang 1,500 meters.
Mabibiyaan ng P720,000 ang may-ari ng unang kabayong tatawid sa meta, P270,000 ang hahamigin ng pangalawa habang may P150,000 at P60,000 ang mga tetersera at pang-apat. (REC)
-
Saso giniit ang pagiging Pinay
NAGING Japanese citizen simula nitong Enero si Ladies Professional Golf Association Tour star Yuka Saso. Pero habang-buhay pa ring giniit ng reigning world women’s golf No. 7 na may dugong Pinoy siya na ‘di niya kalilimutan. Klinaro ito ng 20-taong-gulang na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan na Fil-Japanese Lunes sa isang […]
-
Ads June 10, 2022
-
10 PANG GOBERNADOR SUPORTADO SI MARCOS; NANGAKONG BABANTAYAN ANG BOTO NI BBM
SAMPU pang gobernador mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nagpahayag ng buong suporta kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa isang pulong nitong Linggo ng gabi sa BBM national headquarters sa Mandaluyong. Bukod sa kanilang mga concern at mga priority program sa kanilang probinsya, tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang […]