• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC

Isang termino pa ang inaasam ngayon ng kasalukuyang alkalde’t bise alkalde ng Lungsod ng Quezon matapos nilang maghain ng kanilang kandidatura sa susunod na eleksyon sa darating na taon.

 

 

Ika-5 ng Oktubre, Martes, nang maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto para tumakbo sa parehong pwesto sa ilalim ng partidong Serbisyo sa Bayan (SBP).

 

 

Nahalal sina Belmonte at Sotto — pinsan nina Pasig City Mayor Vico Sotto at aktor na si Oyo Sotto — sa mga naturang pwesto noong 2019 midterm elections, matapos talunin sina Vincent Crisologo at Jopet Sison ng PDP-Laban, atbp.

 

 

Ang COC filing nina Belmonte at Sotto ay ikinasa isang araw matapos ianunsyo ni Anakalusugan party-list rep. Mike Defensor ang kanyang kagustuhang tumakbo sa 2022 elections para sa pagka-alkalde.

 

 

Kontrobersyal si Defensor para sa libreng pamumudmod ng ivermectin, isang anti-parasitic drug, sa QC. Una na niyang ipinetisyon sa Supreme Court na payagan na itong magamit laban sa COVID-19.

 

 

Ginawa ito nina Defensor kahit na ang mismong manufacturer ng ivermectin (Merck) na ang nagsabing walang matibay na ebidensyang makatutulong ito laban sa COVID-19.

 

 

Sinasabing sa Huwebes o Biyernes pormal na ihahain ni Defensor ang kanyang kandidatura sa pagkaalkalde, habang magiging running mate naman niya si QC District 2 Councilor Winston “Winnie” Castelo.

Other News
  • VFA OUT

    NAIPAALAM na ng gobyerno ng Pilipinas sa United- States ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA), magkakabisa ito pagkalipas ng 180 araw makaraang matanggap ang notice.   Kasunod nito ay matitigil na ang pagbisita ng US troops sa bansa para magsagawa ng exercise kasama ang Philippine troops. Nagsimula ang VFA noong 1998. Dalawang dekada na […]

  • Wish na someday maging okay sila as friends: Direk DARRYL, ‘bayani’ ang turing kay Direk JOEL kaya ‘di kayang laitin

    DAHIL silang dalawa ang pinaka-kontrobersiyal na direktor sa ngayon dahil sa magkasalungat na political opinions at tema ng pelikula, minabuti naming hingan ng mensahe si Darryl Yap na direktor ng ‘Martyr Or Murderer’ para kay direk Joel Lamangan ng ‘Oras De Peligro’.   “Sa tingin ko I don’t wanna give a message, just, you know, […]

  • Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni hall of famer boxer Curtis Cokes, 82

    Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni Hall of Famer at dating welterweight champion Curtis Cokes sa edad 82.   Ayon sa kaniyang anak, hindi na nito nakayanan ang kaniyang heart failures.   Mula sa kapwa boksingero hanggang sa mga boxing fans ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga kaanak ni cokes.   Ipinanganak noong Hunyo […]