• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Beripikasyon ng mga balota, target ng Comelec hanggang sa Abril 20

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na matapos ang isinasagawang beripikasyon ng mga balota hanggang sa Abril 20 o 21.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, uunahin nilang beripikahin ang mga balota para sa malalayong lugar.
Pagsapit naman aniya ng Abril 15 hanggang 20 ay mga balota sa malalapit na lugar, kabilang ang Metro Manila.
Ani Garcia, ang pro­seso ng beripikas­yon ng mga balota ay mayroong dalawang estado, kabilang dito ang manual verification na isinasagawa ng kanilang mga personnel at ang beripikasyon na isinasagawa naman ng mga makina.
Matatandaang sa ngayon ay nakapokus na ang Comelec sa ballot verification matapos na makumpleto ang ballot printing noong nakaraang linggo.
Samantala, sinabi rin ni Garcia na ang distribusyon ng mga balota na natapos nang iberipika ay magsisimula sa ikalawang linggo ng Abril.
Ang distribusyon naman umano ng mga voter information sheets (VIS) sa buong bansa, kung saan nakalagay ang pangalan ng mga botante, detalye ng mga presinto, mga paalala sa halalan at listahan ng mga kandidato para sa national at local elections, ay isasagawa ng poll body mula sa Abril 1 hanggang 30.
News 2
Umawat sa away ng mag-asawa, ka-trabaho, sinaksak
PINAGHAHANAP ngayon ng mga awtoridad ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ang kanyang kabaro na umawat sa away nila ng kanyang common-law wife sa Alfonso, Cavite Mates ng madaling araw.
Ginagamot ngayon sa Dr. Poblete Hospital ang biktimang si alyas Jerome dahil sa saksak sa katawan na tinamo mula sa suspek na si alyas Bernie, kapwa mga construction worker, na tumakas matapos ang insidente.
Una dito, nag-inuman ang biktima, suspek at mga kasamahan nila sa trabaho sa Brgy Tua, Magallanes at matapos ang kanilang inuman ay nagsiuwi sa kanilang barracks sa Jacko Builders sa Brgy Kaytitinga 2, Alfonso, Cavite bandang ala-1:30 kahapon ng madaling araw kung saan nagkaroon ng mainitang pgtatalo ang suspek at kanyang common-law wife.
Nang nakitang sinasaktan ng suspek ang kanyang asawa, namagitan ang biktima na kinasama ng suspek kaya pinagsasaksak nito.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima. (Gene Adsuara)
Other News
  • Robredo, nangunguna sa mga Presidentiables na may magandang pro-poor program

    NANGUNGUNA si Presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa mga kandidatong may pinakamagandang plataporma para sa mga mahihirap sa bansa       Sa isinagawang Veritas Truth Survey sa tanong na kung sino sa mga presidentiables ang may ‘best pro-poor track record and platform of government’ 42-porsyento sa 2, 400 respondents ang sang-ayon sa mga […]

  • Obispo, nababahala sa pagpasok ng mga Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas

    Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, nababahala sa pagpasok ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas     Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kaugnay sa presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.     Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates […]

  • Saso asinta ang 1st major crown

    KULANG man sa paghahanda at talagang tigasing mga Haponesa ang makakatapat, tiwala pa rin si Yuka Saso ng Pilipinas sa pangatlong korona at unang malaking karangalan sa inumpisahan na kahapon (Setyembre 10) na 53rd ¥200M JLPGA Championship Minolta Cup 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.   Nasa ituktok  ang 19-anyos […]