BI, magsasagawa ng servive caravan sa Iloilo
- Published on April 16, 2024
- by @peoplesbalita
ANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsasagawa nila ng second leg ng kanilang nationwide caravan sa Iloilo.
Ang Bagong Immigration Service Caravan ay isasagawa sa Seda Hotel sa Iloilo ngayong Abril 17.
Ayon sa BI, layon nito na mabigyan ng maluwag na pribilehiyo sa mag serbisyo sa mga dayuhan sa piling lugar sa Pilipinas.
“We wish to bring our services closer to the people,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco “Apart from our online services, we are also visiting key cities to facilitate immigration compliance,” dagdag pa nito.
Ang nasabing service caravan ay iikot sa pangunahing rehiyon sa buong bansa at mag-aalok ng mabilis na pagpo-proseso para sa iba’t ibang transaksyon kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang mga clearances.
Dahil sa pagbibigay ng direktang serbisyo sa tao ay mababawasan ang mahabang pagpoproseso gayundin ang pagbiyahe.
Dagdag pa dito, ay maaari nang makapagsampa ng reklamo sa isang illegal na dayuhan a mga pang-aabuso sa pamamagitan ng caravan.
“As part of our #ShieldKids Campaign, we have intelligence personnel joining our caravan to receive information from community members regarding foreign sexual predators and sex tourists that might be plaguing their area,” dagdag pa ng BI Chief.
“This represents a significant milestone in our ongoing efforts to improve our services by making these more accessible, both online and offline,” ayon pa kay Tansingco.
“By bringing our services directly to the communities we serve, we aim to enhance accessibility, efficiency, and transparency in our operations, ultimately contributing to a safer and more secure Philippines,” dugtong pa ng BI Chief.
Ang caravan ay nagsimula sa Zamboanga City noong March 6 habang at ang Iloilo leg ay bukas mula alas-7 ng umaga hanggang l 5:30 ng hapon.
Hinikayat ng BI na samantalahin ang serbisyo nito na inaalok
Para sa karagdagang kaalaman o updates sa serbisyo ang mga aplikante ay maaring bumisita sa official website ng Bureau of Immigration sa www.immigration.gov.ph. GENE ADSUARA
-
Ads July 30, 2022
-
Teves Jr, tanggaling miyembro ng Kamara
PINATATALSIK ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo, si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr. Ayon sa alkalde, may isinumite na silang apela sa Kongreso upang tanggaling miyembro ng Kamara si Teves. “Meron pa po kaming ibang sinusulong sa Kongreso. Sana suportahan din […]
-
2 drug suspects huli sa Caloocan drug bust
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ert”, 53 at alyas “Mekini”, 20, kapwa residente ng Brgy. 19. Batay sa ulat […]