• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI personnel, ipinag-utos nang tuluyang sibakin at kasuhan dahil sa pagtakas ng puganteng Korean

IPINAG-UTOS ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Viado ang agarang pagsibak sa empleyado na isinasangkot sa pagtakas ng high profile na puganteng Korean, base sa bagong nakuhang footage sa CCTV at testimonya na mga ebidensiya na nakuha ng ahensiya.

 

Ang kasong criminal ay naisampa na sa Department of Justice (DOJ).

“This footage is damning evidence—hindi ito simpleng kapabayaan. The movements and interactions caught on camera strongly indicate collusion,” ayon kay Viado.

 

Adding to this, we have secured additional testimonial evidence that further strengthens our case against those involved,” dagdag pa ni Viado

 

Base sa CCTV footage na kasalukuyang pinapag-aralan ng mga imbestigador ay nagpapakita umano na tinulungan ng BI Officer ang pagtakas ng nasabing pugante, maging ang mga salaysay ng ilang saksi.

 

Sinabi pa ni Viado na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon, gayunman ang nakalap na mga ebidensiya ay matibay na para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga responsable.

 

“This is no longer just an internal disciplinary matter—this is a full-blown criminal case. The DOJ will take over, and we will ensure that those who betrayed public trust are held accountable,” ayon kay Viado.

 

At bilang bahagi ng pagsugpo ng katiwalian, inilagay din sa preventive suspension ang iba pang pinaghihinaaang kasabwat habang isang intenal audit sa lahat ng mga may kasong high-risk deportation and detention ay ipagpapatuloy.

 

“Hindi tayo titigil hangga’t hindi napaparusahan at nakukulong ang mga may kasalanan para hindi na pamarisan,” ayon kay Viado.

 

“This is just the beginning. The days of corruption, illicit deals, and under-the-table transactions in the Bureau are numbered. Walang sasantuhin—everyone involved will face the consequences,” banta ni Viado.

 

Ang BI ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga law enforcement at DOJ upang mapabilis ang legal action laban sa mga pinaghihinalaan. (Gene Adsuara)

Other News
  • THE FIGHT RAGES ON AS NEW TRAILER FOR “DUNE: PART TWO” IS UNVEILED

    DO what must be done. Watch the new trailer for “Dune: Part Two,” the highly anticipated follow-up to 2021’s six-time Oscar-winning “Dune,” from Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures. The war epic action movie from award-winning filmmaker Denis Villeneuve opens in Philippine cinemas November 1, 2023.         YouTube: https://youtu.be/bttVBk3mWF8 Facebook: https://fb.watch/ltpbQ2S1AE/ About “Dune: Part Two” […]

  • Epal, bawal sa community pantry-Año

    HINDI papayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ‘epal’ na politiko o indibiduwal na gustong pumapel sa community pantry.   Sa Talk To The People ni Pangulog Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kailangang magpatupad ang mga organizers ng cmmunity pantry ng […]

  • Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’

    Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya.     Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”.     Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta.     Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya […]