Bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng OFW na si Mary Anne Daynolo
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
TUTUPARIN ng pamahalaan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Pinay worker na si Mary Anne Daynolo.
Si Mary Anne Daynolo ay isang OFW na nawawala mula noong March 4, 2020 10:30 PM (Abu Dhabi time) sa kanyang pinagtatrabuhan sa The St. Regis Saadiyat Island Resort, Abu Dhabi, UAE.
“Ngayon po ang inaatupag natin ay bigyan ng katarungan itong pagkamatay ng ating kababayan na si Mary Anne Daynolo.
Well, ang pangako po ng Presidente mabibigyan po ng hustisya at katarungan ang pagkamatay ng ating kababayang si Mary Anne Daynolo,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sa ngayon aniya ay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang tumutulong sa pamilya ni Mary Anne.
“In fact, ang OWWA po ang tumulong para magkaroon po ng autopsy ng sa ganoon mabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya. May autopsy din pong nangyayari ngayon sa panig ng NBI at lahat po ng gastos para ilibing si Mary Ann ay sagot po ng ating OWWA. At magkakaroon din po sila ng financial assistance at death benefit galing po sa OWWA sa takdang panahon,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)
-
3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA
HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at […]
-
LTFRB, nakatakdang dinggin ang hirit ng transport group na taas-singil
NAKATAKDANG dinggin ng Land Transportation and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers. Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba […]
-
COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA
PATULOY ang pagbaba ng COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila batay sa latest data ng OCTA Research Group. Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 makaraang masuri sa virus. Batay sa inilabas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nitong May 28 ay bumaba […]