• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigyan ng authority ang mga LGUs na direktang makipagnegosasyon sa sa mga COVID-19 vaccine manufacturers

Umapela si League of Provinces of the Philippines National President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., sa pamahalaan na bigyan ang mga LGUs ng malinaw na authority para direktang makipagnegosasyon sa mga COVID-19 vaccine manufacturers. 

 

Ayon kay Gov. Velasco, ama ni Speaker Lord Allan Velasco, batid naman niya na kailangan dumaan ang mga local governments sa national government bago makakuha ng sariling bakuna.

 

Tinukoy nito ang nakabinbing resolusyong inihain ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na nagbibigay otorisasyon sa mga LGUs na direktang makipag-ugnayan sa mga vaccine suppliers para matiyak ang mabilis na pagkuha ng suplay ng bakuna sa mga constituents.

 

Ipinunto rin nito na naunang inihayag nila Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na may nakareserbang bakuna para sa 70% ng populasyon ng bansa.

 

Giit pa ni Gov. Velasco, nais lamang nilang matiyak na ang bakunang bibilhin ng mga LGUs ay mapupunta sa mga constituents bukod pa ito sa 70% ng populasyon ng bansa na mababakunahan sa ilalim ng government procured na COVID-19 vaccines. (Ara Romero)

Other News
  • Alapag pinasalamatan ang Kings organization

    Pinasalamatan ni dating PBA player at Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag ang Sacramento Kings organization matapos angkinin ang korona ng katatapos na NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.     “What an amazing experience here in Vegas for the NBA Summer League!!” wika ni Alapag kahapon sa kanyang Instagram account.     Ito […]

  • 433 bettors, napanalunan ang nasa mahigit P236-M na jackpot prize ng Grand Lotto 6/55

    PAGHAHATIAN  ngayon ng nasa mahigit 400 mga mananaya ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.     Ito ay matapos na makuha ng 433 bettors ang winning combination na 09-45-36-27-18-54 na may jackpot prize na nagkakahalaga sa tumataginting na Php 236,091,188.40 nitong Sabado, October 1, 2022.     Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), […]

  • PBBM, ipinamigay ang nakumpiskang smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga nakumpiskang  smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay.     Bahagi ito ng pagtupad  ng Pangulo sa kanyang pangako na tugisin ang rice smugglers at hoarders sa bansa.     Pinangunahan din ng Pangulo ang  turnover ng iba pang tulong sa […]