• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIKER, PISAK ULO SA TRAILER TRUCK

NASAWI ang  isang biker matapos magulungan ng trailer truck sa bahagi ng Raxabago St., Tondo, Maynila Huwebes ng umaga.

 

 

Sa ulat ng MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang biktima na si Rafoc Alvin Roxas, 39, nakatira sa no.05 BBS Navotas  Bagumbayan south Navotas.

 

 

Hawak naman ng pulisya ang driver ng trailer tractor na si Rogym Mendoza, 39  Balut, Tondo, Maynila para sa imbestigasyon.

 

 

Sa imbestigasyon, kakanan umano ang tractor head na may trailer sa kahabaan ng Raxabago St ,  mula sa Juan Luna St, nang mabangga ang biktima na patungong westbound direction.

 

 

Malakas umano ang pagkakabangga sa biktima na nakabisikleta bukod pa sa nagulungan pa ang kanyang ulo dahilan para mapisak.

 

 

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara) 

Other News
  • WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.     Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco,  kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.     Sinabi […]

  • Pagulayan kampeon sa Illinois

    MULING inilabas ni dating world champion Alex “The Lion” Pagulayan ang matatalim na pangil nito upang pagharian ang 10-Ball at One Pocket events ng 2020 Aramith/Simonis Pro Classic Championship sa West Peoria, Illinois.   Naitakas ni Pagulayan ang gitgitang 14-13 panalo laban sa kababayan nitong si Dennis Orcollo sa championship round upang makuha ang korona […]

  • Valenzuela, DA pinangunahan ang pagbubukas ng AMVA Kadiwa Store

    PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian at ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Assistant Secretary Christine Evangelista ang Kadiwa Store ng Alyansa ng mga Mamamayan ng Valenzuela (AMVA) Multipurpose Cooperative sa Barangay Ugong.     Ang Kadiwa Store ng AMVA Multipurpose Cooperative ay nabuo sa […]