BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT, NASABAT SA CLARK AIRPORT
- Published on April 14, 2021
- by @peoplesbalita
NASABAT ng mga miYembro ng Bureau of Immigration (BI) Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Clark International Airport ang isang papaalis na biktima ng isang illegal recruitment na patungo sa Dubai.
Ang biktima na hindi pinangalanan ay tinangka nitong umallis patungo sa Dubai sakay sana ng Emirates Airlines sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang Overseas Employment Certificate (OEC) bilang isang Balik Manggagawa, gayunman, nakitaan siya ng kanina-hinala sa kanyang mga dokumento ni Immigration Officer Vanessa Icban kaya in-refer nito sa mga miyembro ng BI’s TCEU para inspeksiyunin at dito nakita na ang biktima ay huling dumating sa bansa noong 2019 at may Dubai work visa.
Pero noon nagsagawa ng beripikasyon nalaman na ang kanyang work visa ay kanselado na at nagtataglay ito ng tourist visa.
Immigration Commissioner Jaime Morente commended the efforts of the Clark immigration officers in intercepting said victim.
“I know it is a challenge to intercept such cases as they are presenting complete documents and are in the guise of being legitimate OFWs,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.
“We commend the quick eye of our immigration officers, which allowed them to uncover this modus,” dagdag pa nito.
Sa kasalukuyang sistema, ang isang dating OFW na ang visa at kontrata ay napaso na ay bibigyan ng panibagong tourist visa para payagan silang makalabas upang illegal na makapagtrabaho bilang mga turista , gamit ang kanilang luamng OEC.
“This is an obvious circumvention of the law, and victims are promised that they can depart using their old OECs that are, in fact, invalid already,” ayon Morente. “Victims end up working for a different employer, or worse, fly off to a third country like Iraq or Syria,” dagdag pa nito.
Ang biktima ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine Overseas Employment Administration Labor Assistance Center Pampanga. (GENE ADSUARA)
-
PRIDE FESTIVAL, MATAGUMPAY NA NAIDAOS SA QUEZON CITY
MATAGUMPAY na naidaos ang Pride Festival ngayong taon na ginanap sa Quezon Memorial Circle nitong nakaraang Sabado. Ayon sa ulat ng Quezon City local government unit, umabot sa 110, 752 na myembro ng LGBTQIA+ ang dumalo sa nasabing pagdiriwang. Ang nasabing bilang ay ayon na rin sa foot traffic data na nairecord ng […]
-
2 NAGKA-CARA Y CRUZ TIMBOG SA P10-K SHABU
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halag ng shabu sa Caloocan city. Kinilala ang mga suspek na si Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Saremborao St., Dagat-Dagatan, Brgy. 8 na kakasuhan ng paglabag […]
-
1st phase ng operasyon ng Metro Manila subway project, sisikaping habulin sa Disyembre sa 2021
TARGET ng gobyernong Duterte na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project. Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021. Sinasabing taong 2025 naman […]