BIKTIMA NG TRAFFICKING NAGPANGGAP NA MGA SEAFARERS, NA-RESCUE
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
NA-RESCUE ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang dalawang kababaihan na hinihinalang biktima ng trafficking na tinangkang pumuslit ng bansa at nagpanggap na mga seafarers.
Ang dalawang ay papasakay ng Cebu Pacific patungong Hongkong , ayon sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ng BI travel control and enforcement unit (TCEU).
Ang dalawang babae ay nagpanggap na Overseas Filipino workers (OFWs) na ni-recruit na magtrabaho sa Thailand at nagpakita ng mga pekeng dokumento, pero sa bandang huli ay inamin na patungo sila sa Laos upang magtrabaho bilang mga call center agents.
“The modus operandi here is for the victims to initially fly to Thailand where they would then board their connecting flight to Laos,” ayon kay Tansingco.
Sinabi ng mga biktima na ni-recruit sila upang magtrabaho sa Laos na nakita nila sa social media at nagbayad ng P4,000 kapalit ng kanilang pekeng dokumento.
Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at pagsasampa ng reklamo laban sa kanilang recruiters. GENE ADSUARA
-
Sa mga business ventures niya: YSABEL, naa-appreciate ang walang humpay na suporta ni MIGUEL
ISA si Ysabel Ortega na marunong mag-invest sa negosyo upang mas mapalago pa ang kinikita sa pag-aartista. Hindi pa natatagalan noong nagbukas ng sarili nilang branch ng NAILANDIA nail salon and spa sa Il Terrazo, sina Ysabel, Sophia Senoron at Elle Villanueva, heto at nagbukas naman si Ysabel ng bakeshop na kasosyo ang ina niyang […]
-
Bureau of Quarantine, naka-heightened alert laban sa FLiRT COVID-19 variants
INATASAN na ni Department of Health Secretary Ted Herbosa ang Bureau of Quarantine na magsagawa ng masinsinang screening sa points of entry para sa mga pasaherong nagmula sa ibang bansa kung saan na-detect ang bagong COVID-19 “FLiRT” variants. Kaugnay nito, kinumpirma ni Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na […]
-
Programa sa sports para sa mga batang Navoteño, palalakasin ng Navotas
PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang kasunduan upang lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports, kasunod ng paglagda sa memorandum of understanding (MOU) ni Mayor John Rey Tiangco kasama ang Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) para sa isang partnership na magtataguyod ng sports training para sa mga batang Navoteño. Si Dr. […]