• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ka-partner ni Wilbert sa digi-series: TikToker na si YUKII, nabigyan ng big break sa ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

PATULOY na nagwawagi ang Puregold sa sektor ng retailtainment, dahil nakaabang ang mga manonood sa bansa sa pinakabago nitong digital series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile.

 

Tampok sa kapana-panabik na serye ang 21-taong gulang na
Tiktok sensation na si Yukii Takahashi, na gumaganap na Angge, ang bidang babae.

 

Nagsimulang lumikha ng mga video sa Tiktok si Yukii noong Marso 2022. Naging patok siya sa kanyang natural na kagandahan at kakayahang magpatawa, at nagkaroon siya ng 8.2 milyon na follower sa nasabing plataporma.

 

Nakuha niya ang atensyon ng Cornerstone Entertainment, at naging bahagi siya nito.

 

Sa kasalukuyan, nagkaroon na ng maraming exposure si Yukii sa industriya, naging host ng reality survival show na ‘Top Class’ at naglabas ng single na pinamagatang “Bounce”.

 

“Natutuwa kami sa Puregold sa pagtuklas ng mahuhusay na talento gaya ni Yukii at pagbibigay ng pagkakataon sa kanila na mas gumaling pa, habang patuloy kaming lumilikha ng dekalidad na content sa retailtainment,” ayon kay Ms. Ivy Piedad, Puregold Marketing Manager.

 

Dahil alam ng Puregold na malaki ang gampanin ng retailtainment sa hinaharap, sinisikap nitong makagawa pa ng magagandang kuwento para sa mga suki nito.

 

Sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile, kapares ni Yukii ang aktor, singer, at songwriter na si Wilbert Ross na gumaganap bilang Bryce, isang lalaking mahilig sa video games na nahihirapang makipag-usap at makitungo sa mga babae.

 

Pumayag si Angge na maging virtual wingwoman ni Bryce, nang sa gayon ay matulungan niya ang kanyang kuya sa mga bayarin.

 

Ipinakita sa ikatlong episode na nakatulong ang kasunduang ito, at dahil kay Angge, nakakonekta si Bryce sa mga babae. Pero ang pagiging malapit sa isa’t isa ay maaaring magbunga ng iba pa.

 

Nag-iisip ang mga manonood: may namumuo ba sa pagitan nina Angge at Bryce? Totoo na ba ang kanilang mga nararamdaman?

 

Sa darating na ika-4 na episode, magiging interesado naman ang mga tagapanood sa potensiyal nina Angge at Bryce na magkaibigan.

 

Tuloy lamang ang masaya at nakakakilig na mga eksena, kasama ang iba pang miyembro ng cast, si Bessie na nanay ni Bryce, ang mga kaibigan niyang sina Genski at Ketch, at si Chili Anne na may gusto kay Bryce. (panoorin ang trailer: https://youtu.be/lcd3wD4xLZQ)

 

Sa rami ng mga fan at tagasubaybay na nasasabik sa tambalan nina Bryce at Angge, at natutuwa sa daloy ng kuwento, mukhang nakagawian na ng mga netizen ang panonood ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile.

 

Tunghayan ang susunod na episode ngayong ika-pito nang gabi sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold.

 

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa karagdagang updates, i- like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gilas Pilipinas, nakahanda na sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers

    NAKAHANDA ang Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak sa mga laro ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa Manama, Bahrain.   Isasagawa ng nasabing bansa ang “bubble” type game sa group A at D.   Kasama kasi sa Group A ng Pilipinas ang South Korea, Indonesia at Thailand habang sa Group D naman ay binubuo ng […]

  • “MAGIC MIKE’S LAST DANCE” TRAILER TEASES FINALE OF SEXY TRILOGY

    JUST in time for Valentine’s Day 2023 comes the third installment of the blockbuster “Magic Mike” film franchise, the musical comedy “Magic Mike’s Last Dance.”       Check out the film’s official trailer on YouTube and Facebook below: https://youtu.be/MRVXQeGjCMs https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/491044626330277/     About “Magic Mike’s Last Dance”     The creative team behind the first […]

  • 20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na

    Nakakuha na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa British drug group na AstraZeneca.   Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong araw naka­takdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19.   “Bukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement na more or less […]