Bilang ng health workers, kinakapos pa rin – PHA
- Published on May 21, 2021
- by @peoplesbalita
Patuloy na kinakapos ng health workers ang maraming ospital sa malaking bahagi ng ating bansa.
Ito ang pag-amin ni Philippine Hospital Association (PHA) president Dr. Jaime Almora, kasunod ng malaking pangangailangan sa mga doktor at nurses, ngayong ikalawang taon na ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Almora, kahit bumaba na ang bilang ng COVID cases, kumpara sa mga nakaraang buwan, may mga kakulangan pa rin sa health workers.
Ilan aniya sa mga ito ay nagkasakit na, may ibang nangibang bansa, habang ang ilan pa ay umayaw na dahil hindi nababayaran ng tama ng mga naluluging pagamutan at maging ng PhilHealth.
“This is now causing severe financial distress for private hospitals as well as government hospitals,” wika ni Almora.
Kaya naman, nagmungkahi ang PHA na panatilihin pa rin ang mga paghihigpit, upang maiwasan ang panibagong paglobo ng mga kaso.
Kasama na rito ang travel restrictions at malawakang contact tracing.