Bilang ng mga nasawi sa C-130 ng PAF plane crash sa Sulu, nadagdagan pa!
- Published on July 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa 31 na katao na ang namatay kung saan 29 ang sundalo at dalawang sibilyan matapos bumagsak ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) kahapon ng umaga sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.
Ginagamot naman sa ospital ang 50 pang sundalo at apat na sibilyan habang patuloy ang search and rescue operations sa 17 iba pa.
Sa latest report na ipinadala ng WesMinCom, puspusan ang ginagawang paghahanap ng mga awtoridad upang makita ang mga nawawala pa na kabilang sa 96 na pasahero ng C-130 Hercules. Tatlo rito ang piloto, lima ang crewmen at ang iba ay mga Army personnel.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, karamihan sa mga biktima ay bagong graduate sa basic military course buhat sa Cagayan de Oro at idedeploy na sana sa 11th Infantry Batallion ng Joint Task Force Sulu.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, galing ang C-130 Hercules na may tail #5125 sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City at nakatakda sanang mag-landing sa Jolo port sa Sulu dakong alas-11:30 ng umaga subalit hindi nakalapag sa runway.
”Na-miss niya yung runway trying to regain power, at hindi nakayanan bumagsak doon sa may Bangkal,” ani Chief of Staff Cirilito Sobejana.
Samantala, ang dalawang sibilyan na nasawi ay sinasabing nabagsakan ng naputol na bahagi ng C-130.
Agad naman naapula ang apoy at nasagip ang 50 mga pasahero na kasalukuyang ginagamot sa 11ID hospital sa Busbus, Jolo, Sulu.
Dagdag pa ni Sobejana, ginawa naman ng ground commander na si Joint Task Force Sulu Commander Gen. William Gonzales ang lahat kaya mabilis na naapula at nailigtas ang iba pang mga pasahero.
Ani Gonzales, ang mga sundalo ay isasabak sa pagpuksa ng terorismo sa bansa partikular laban sa KFR at Abu Sayyaf Group.
Umaasa sila na makikita pa nila ang kanilang mga kasamahan. (Daris Jose)
-
Bypass project, mapapalakas ang farming industry sa Bulacan
MAPAPALAKAS ng infrastructure projects sa Bulacan ang pagiging produktibo ng pagsasaka sa lalawigan. Ito’y matapos na pasinayaan ang Arterial Road Bypass Project Phase III (ARBP III) Contract Package 4 sa San Rafael, Bulacan. Winika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati na binasa ni Special Assistant to the President Antonio […]
-
Iloilo City inilagay sa MECQ simula Sept. 25 hanggang Oct. 9 – IATF
INANUNSIYO ng Malacañang ang paglagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod ng Iloilo. Sinabi ni Presidential spokesper- son Harry Roque na magsisimula sa Setyembre 25 o nitong araw ng Biyernes hanggang Oktubre 9 ang MECQ. Nauna nang ikinokonsidera ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang pagsasailalim sa modified general community quarantine […]
-
PDu30 kay Bato: It’d be good to have a military man as next president
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “last minute” nang ang ruling PDP-Laban na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na patakbuhin bilang presidential candidate sa May 2022 elections. Ang pag-amin ng Pangulo ay sinabi nito sa kanyang naging pagbisita kay televangelist Apollo Quiboloy sa Davao City, araw ng Biyernes ilang oras matapos na […]