• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng Pinoy na ‘very happy’ sa kanilang love life kumonti — SWS

BUMABA sa 46 percent ang bilang ng mga Pinoy na napakasaya o “very happy” sa kanilang love life.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), ang naturang percentage ay may 12 points na mababa mula sa 58 percent noong December 2023.

Ang 46 percent ay pinakamababa sa loob ng 20 taon mula noong 2004.

Nasa 36 percent naman ang naniniwala na magiging masaya sa kanilang relasyon habang 18% ang nagsabing wala silang love life.

Kumpara sa 2023 figures, masaya sa kanilang love life ay pareho lamang sa mga babae at lalaki laluna sa mga lalaki na may live-in partners.

Karamihan din sa mga Pinoy ay naipapakita ang kanilang pagmamahal tulad ng pagluluto ng pagkain, pagtulong sa gawaing bahay o pag-aayos ng mga bagay sa loob ng bahay nang may pagkukusa.

Ang paglalaan ng oras at panahon ang pinaka-ikalawang common sa love languages sa hanay ng mga Pinoy na 51 percent.

May 29% ang pagbibigay ng regalo ang nagpapakita ng pagmamahal at 33% ang physical touch.

Nasa 10% ang nagsabing mas matimbang ang pera kaysa Love at companionship.

Ang non-commissioned SWS survey ay ginawa face-to-face interviews sa 2,160 adults na may edad 18-anyos pataas.

Other News
  • PBBM, pinarangalan ang nag-kampeon na Filipino chorale groups

    NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang sa nag-kampeon na chorale groups na nagdala ng karangalan sa bansa dahil sa kanilang katangi-tanging abilidad sa pag-awit sa international stage.     Sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, pinarangalan ng First Couple na sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Marcos ang pitong chorale […]

  • Operators ng tanker na lumubog, kinasuhan ng administratibo

    NAGSAMPA ng kasong administratibo ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa operators ng dalawang tankers na lumubog sa baybayin ng Bataan noong Hulyo.     Sinabi ng PCG na ang nasabing reklamo ay inihain laban sa operators ng MV Mirola 1 at MTKR Jason Bradley dahil sa hindi pagtupad sa deklarasyon ng Master ng pag-alis […]

  • PSC: Tulong ng pribadong sektor, hihingin para mabigyan ng allowance ang mga nat’l athletes, coaches

    Binabalak ng Philippine Sports Commission (PSC) na hingin ang tulong ng pribadong sektor para bayaran ang bahagi ng monthly allowance ng mga national athletes at coaches.   Tinapyasan kasi ng PSC kamakailan ang natatanggap na allowance ng mga atleta at coaches bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.   Sa isang pulong balitaan, partikular na tinukoy […]