• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilis ng transmission ng Lambda variant, masusing pinag-aaralan

HANGGANG sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan pa rin ang bilis na makapanghawa ng Lambda variant na nagmula sa bansang Peru at ngayo’y nakapasok na sa Pilipinas.

 

Ito’y matapos na makapagtala ang Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 Lambda variant, ayon sa Department of Health (DOH).

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Phil. Genome Center (PGC) Director for Health program Dra. Eva cutiongco dela paz, na base sa pag-aaral ng mga siyentipiko, hindi pangkaraniwan ang mga mutation ng Lambda variant na dahilan kung bakit mabilis itong makapanghawa gaya ng ibang variant.

 

Aniya, nakita ang mutation ng variant na ito sa kanyang spike protein na siyang ginagamit para kumapit sa bahagi ng katawan na nais nitong salakayin.

 

Subalit, nilinaw ni Dela Paz na hindi pa maituturing na variant of concern ang Lambda lalo pa’t wala pa pag-aaral na nagsasabing walo sa sampung indibidwal ang maaari nitong mahawaan.

 

Kung matatandaan, noong nakalipas lamang na buwan ng hunyo idineklara ng World Health Organization o WHO na variant of interest pa lamang itong Lambda variant. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Nakahanda na ang material at nagkausap na sila: VILMA, mukhang matutuloy nang makatrabaho si Direk BRILLANTE

    SI Vilma Santos ang artistang nais makatrabaho ni Brillante Mendoza dahil hindi pa naididirek ng batikang direktor sa kanyang mga pelikula.   Pero ang magandang balita, dahil aktibo na muli si Vilma sa paggawa ng pelikula ay nagkaroon na sila ng pag-uusap para sa isang proyekto. “Okay na, mag-aayos na kami ngayon,” pahayag ni Brillante. […]

  • Belga, Quinahan, Guiao magkakasama-sama uli?

    NAGBUNGA ng dalawang kampeonato ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa Rain or Shine noong 2011-16 ang pagsasama-sama nina Extra Rice tandem Beau Michael Vincent Belga at Joseph Ronald ‘JR’ Quiñahan, at coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.     Pero nagkahiwalay-hiwalay ang tatlo ang tatlo pagkaraan.     Nakapako sa RoS si Belga mula noon hanggang […]

  • Kiamco kampeon sa Behrman Memorial 9-Ball

    Namayagpag si two-time Asian Games silver medalist Warren Kiamco sa 5th Annual Barry Behr-man Memorial Spring Open 9-Ball na ginanap sa Q Master Billiards sa Virginia, USA.     Hindi nakaporma sa tikas ng Cebu City pride si Manny Chau ng Peru matapos itarak ang impresibong 11-5 desisyon sa championship round.     Ito ang […]