• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binalik-balikan ang eksenang sinampal at buhusan ng juice: LEXI, naalala

BIGLANG naalala ng ‘Running Man PH’ contestant na si Lexi Gonzales ang namayapang aktres na si Cherie Gil.

 

 

 

Kabilang kasi si Cherie sa umupong council noong ika-7th season ng ‘StarStruck’ kunsaan tinanghal si Lexi bilang First Princess.

 

 

 

Nasa Korea si Lexi noong makarating sa kanya ang balitang pumanaw ang mahusay na aktres dahil sa sakit na edometrial cancer noong August 5 sa New York City.

 

 

 

Binalik-balikan daw ni Lexi ang mga eksena nang sampalin at buhusan siya ng juice ni Cherie sa acting challenge nila sa ‘StarStruck’ noong 2019.

 

 

 

“Nasampal po niya ako, nabuhusan niya ako ng juice. So sabi ko wow! ‘Yon pa nga lang masayang-masaya na ‘ko. I admire her so much. Lahat ng advices she gave sa mga challenge na nagawa namin sa Starstruck lahat ‘yon tini-treasure ko,” pag-alala pa ni Lexi.

 

 

 

Hinangaan ni Lexi si Cherie dahil sa mga kinuwento nito sa kanila kung paano siya nagsimula sa showbiz at kung ano ang mga ginawa niya para mapanatili ang estado niya bilang isang propesyonal na aktres.

 

 

 

Hindi raw makakalimutan ni Lexi ang paglapit sa kanila ni Cherie noong last episode na ng StarStruck. Sinabihan daw silang apat ng aktres na pagkatapos ng contest, doon pa lang magsisimula ang lahat para sa kanila. Maghanda na raw sila sa “real world” na kanilang tatahakin after StarStruck.

 

 

 

“Naalala ko pong sinabi niya sa amin na, ‘It is not a race, it’s a marathon. So hindi siya pabilisan, patagalan sa industriya.’ Kaya hinding-hindi ko po makakalimutan si Miss Cherie,” pahayag pa ni Lexi.

 

 

 

***

 

 

 

MALAKI ang ikina-mature ng Sparkle actor na si Kristoffer Martin noong ikinasal ito sa kanyang longtime girlfriend na si AC Banzon noong nakaraang February.

 

 

 

Inamin ni Kristoffer na noon ay mainitin ang ulo niya at tuwing may hindi sila napagkakasunduan ni AC, hindi raw siya gagawa ng effort na makipag-ayos agad.

 

 

 

“Gano’n ako noon. Kapag binabalikan ko ang mga ginagawa ko noon, ngayon ko lang naisip na mali pala iyon. Kaya nagpapasalamat ako kay Lord na binigyan niya ako ng pagkakataon na magbago at gawin tama ang mga desisyon ko sa buhay. At ang pakasalan ang ina ng anak ko ay ang isa sa magandang desisyon na ginawa ko.

 

 

 

“Akala ko noon, title lang yung ikasal ka, pero may meaning pala iyon. Para sa akin, parang nagkaroon siya ng magic sa buhay naming lahat. Ngayon, ang gaan-gaan na lahat at ang sarap pala na malaya kang sabihin na may asawa ka na at buo ang pamilya mo.”

 

 

 

Naglabas ng bagong single si Kristoffer sa ilalim ng GMA Music titled “Di Ba?”. Na-inspire ang aktor na ipagpatuloy ang kanyang pagiging aspiring songwriter.

 

 

 

“Marami akong nasulat na mga songs. Nakatago lang sila. Ngayon parang gusto ko na siyang ituloy na. Marami pa akong puwedeng isulat kasi sobra akong nai-inspire ngayon, lalo na’t masaya tayo sa buhay natin ngayon.”

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW na ang Grammy Award winning rapper na si Coolio noong nakaraang September 28 sa Los Angeles. He was 59.

 

 

 

Nakilala si Coolio or Artis Leon Ivey Jr. in real life ay sumikat dahil sa ’90s hit rap single niya na ‘Gangsta’s Paradise’ na ginamit sa pelikulang Dangerous Minds in 1995. Ang iba pa niyang hits ay ang Fantastic Voyage, 1, 2, 3, 4 (Sumpin’ New) and C U When U Get There.

 

 

 

Ayon sa report ng TMZ, ang manager na si Jarez Posey ang nagkumpirma sa pagpanaw ni Coolio. Suspected heart attack daw ang naging sanhi ng biglang pagkamatay ng rapper.

 

 

 

“As far as what I know now is that he was at a friend’s house and was in his bathroom. When Coolio didn’t respond to his name being called, his friend went inside the bathroom and found him unresponsive on the floor. The friend then called the paramedics, who pronounced Coolio dead upon arriving at the scene.”

 

 

 

Wala naman daw nakitang drugs or drug paraphernalia kunsaan natagpuang walang buhay si Coolio. Hinihintay na lang ang autopsy and toxicology test para ma-determine ang official cause of death.

 

 

 

Coolio was born in Monessen, Pennsylvania. Bago siya naging sikat na rapper, nagtrabaho siya bilang volunteer firefighter at security sa Los Angeles International Airport.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • “SHAZAM!” FACES THE “FURY OF THE GODS” IN THE SEQUEL’S NEW TRAILER

    NEW Line Cinema has just revealed the brand new trailer and poster of the superhero adventure, “Shazam! Fury of the Gods.”       Check it out below and watch the film only in cinemas across the Philippines starting March 15.     YouTube: https://youtu.be/JvZSRT2Mqr0     Facebook: https://fb.watch/iiridU6xS3/     About “Shazam! Fury of the Gods”   […]

  • PBBM, ipinag-utos ang pagkumpleto sa water-related projects sa April 2024

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipinag-utos niya sa mga  kinauukulang ahensiya ng gobyerno na kompletuhin ang  water-related projects sa April 2024 bilang paghahanda para sa epekto ng El Niño phenomenon.     Sa isinagawang ina inagurasyon ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Lupao, Nueva Ecija, winika ng Pangulo ang pamgangailangan […]

  • Swab test ‘di aalisin – Red Cross

    Kahit pa maaprubahan ang paggamit ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ay hindi pa rin aalisin ng Philippine Red Cross (PRC) ang swab test dahil ito ang itinuturing na gold standard sa COVID-19 testing.   Ito ang nilinaw ni Dr. Paulyn Rosell-Ubial, head ng Biomolecular Laboratories ng PRC, kaugnay […]