• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binasag ang pangako na ‘di nila panonoorin ang love scenes: CARMINA, ‘di nakatiis dahil sa viral na lampungan nina ZOREN at LIANNE

NANGAKO ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na hindi nila papanoorin ang mga ginagawa nilang love scenes sa mga kinabibilangan nilang teleserye.

 

 

 

Pero binasag ni Mina ang pangako na ito dahil hindi siya makatiis na panoorin ang mga lampungan na eksena ni Zoren with Lianne Valentin sa teleserye na ‘Apoy Sa Langit’. Nag-sorry naman si Mina bago niya panoorin ang ilang eksena.

 

 

 

Unang reaction ni Mina ay sa pagpakita ng katawan ni Zoren sa swimming pool: “Wow, nag-topless! Na-miss ko tuloy si Tatay. Sa totoo lang, pinaghandaan niya talaga ito. Hindi siya kumakain at talagang nag-diet siya.”

 

 

 

Sa eksena naman na sine-seduce ni Lianne si Zoren, sey ni Mina: “Ito ang dahilan kung bakit hindi ko ito pinapanood. Pero pinapanood n’yo siya sa akin. Oh my God! Nakakalokah!”

 

 

 

Sa nag-viral naman na under the table scene ni Lianne habang kinakapa niya si Zoren, ang sey ni Mina: “Naintriga ako kasi million views agad. Ano ba ang ginagawa sa ilalim ng table? Ay jusko Lord, hindi ako sanay!

 

 

 

“Si Zoren kasi may pagka-conservative. Kaya nagulat ako kung paano siya napapayag. Jusko ko Lord, halikan sila nang halikan! Hindi ko talaga kinaya!”

 

 

 

Mas nag-enjoy panoorin ang nakikipagsuntukan si Zoren sa isang eksena dahil alam niyang miss na ng kanyang mister ang pagiging action star nito dati.

 

 

 

***

 

 

 

MARAMING natuwa sa naging reunion sa Amerika ng dalawang anak ni Vilma Santos sa 1998 film na ‘Bata, Bata… Paano Ka Ginawa?’ na sina Carlo Aquino at Serena Dalrymple.

 

 

 

Gumanap bilang mga anak ng character ni Ate Vi na si Lea Bustamente sina Carlo at Serena bilang sina Ojie at Maya sa pelikula na dinirek ni Chito Rono na hango sa best-selling novel ni Lualhati Bautista.

 

 

 

Kapwa nanalo ng FAMAS, Star, Gawad Urian at Film Academy of the Philippines awards sina Carlo at Serena para sa naturang pelikula.

 

 

 

Bukod sa Bata, Bata…, naging magkapatid din sila sa comedy film series na ‘Ang Tanging Ina’ na pinagbidahan naman ni Ai-Ai delas Alas.

 

 

 

Nagkita sa Amerika sina Carlo at Serena dahil kasama si Carlo sa concert series ng ‘Star Magic na Beyond The Stars’ sa New York, San Francisco at Los Angeles. Nataon naman na nasa US si Serena kaya nagkita sila ni Carlo.

 

 

 

Sa IG ay pinost ni Serena ang photo nila ni Carlo mula sa pelikulang Bata, Bata… at nilagyan niya ng caption na: “Akala mo lang wala, pero meron, meron!” na siyang memorable line ni Carlo sa pelikula.

 

 

 

Si Serena ay engaged na ito sa kanyang boyfriend na si Thomas Bredillet at naka-base sila sa United Kingdom.

 

 

 

***

 

 

 

READY for college na pala ang adopted daughter nila Brad Pitt at Angelina Jolie na si Zahara Marley Jolie-Pitt.

 

 

 

Nakapasok ito sa Spelman College in Atlanta, Georgia. Isa raw itong historical Black college for women.

 

 

 

Pinost ni Angelina ang photo ng kanyang 17-year-old daughter kasama ang isang grupo ng mga kababaihan at nilagyan niya ng caption na: “Zahara with her Spelman sisters! Congratulations to all new students starting this year. A very special place and an honor to have a family member as a new Spelman girl.”

 

 

 

Dumalo si Angelina at Zahara sa isang event ng naturang college para makilala nila ang ibang pamilya. Nagkaroon pa ng Tiktok video si Angelina kasama si Zahara na sumasayaw.

 

 

 

May caption ito na: “Morehouse and Spelman alumni showing Angelina Jolie and her daughter how to hit the electric slide at their event in Los Angeles.”

 

 

 

Inampon ni Angelina si Zahara noong six months pa lang ito mula sa Hawassa, Ethiopia in 2005.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Creativity ng mga Pilipino, pinuri ng opisyal ng CBCP

    Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong pamamaraan ng mamamayang Filipino para maging produktibo katulad ng online selling sa kabila ng covid 19 pandemic.     Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na bahagyang dumami ang kasalukuyang bilang ng mga kababaihang online seller kumpara […]

  • Sa part two ng BL series na ‘Hello Stranger’: Team-up nina TONY at JC, gustong gawing mala-Popoy at Basha

    MAY plano raw ang Black Sheep Productions na igawa ng part two ng BL Series na Hello Stranger na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara.     Pero ang gusto raw ng Black Sheep na ang maging peg ng return team-up nina Tony at JC ay mala-Popoy at Basha nina John Lloyd Cruz at […]

  • 4 sports idinagdag sa Vietnam SEA Games

    IKINATUWA ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagsama ng apat na karagdagang sports sa 2021 Vietnam Southeast Asian Games.   Ilan kasi sa idinagdag na bagong sports ay ang Jiu jitsu, triathlon, bowling at esports.   Sinabi pa ni Tolentino na ang pagsama ng nasabing apat na sports ay mula sa […]