• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata kulong sa pagnanasa sa dalagang pinsan sa Navotas

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 19-anyos na lalaki matapos pasukin at pagnasaan ang kanyang pinsang buo habang natutulog ang dalaga sa loob ng silid nito sa Navotas City.

 

 

Naaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2 araw ng Lunes ang binatang suspek na itinago sa pangalang “Gardo” makaraang maghain ng reklamo ang tumatayong guardian ng 19-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Lily” nang magsumbong sa kanya ang dalaga.

 

 

Lumabas sa pagsisiyasat ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na habang natutulog loob ng kanyang silid sa kanilang tirahan saBrgy. Tangos South ang biktima dakong alas-6 ng gabi noong Linggo, palihim na pumasok ang suspek na nasa impluwensiya ng alak.

 

 

Naalimpungatan na lamang ang biktima nang maramdamang nakababa na ang kanyang suot panloob at nakatakda ng ilugso ng sariling kaanak ang kanyang puri kaya’t bumalikwas siya ng bangon at nagtatakbong palabas ng silid.

 

 

Kaagad nagsumbong ang biktima sa tumatayo niyang tagapag-alaga na agad namang nagtungo sa SS-2 upang ireklamo ang sariling kaanak ng dalaga.

 

 

Nakatakda namang iprisinta sa piskalya ng Navotas ng WCPD ang suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A. 8353 o ang Anti-Rape Law. (Richard Mesa)

Other News
  • Malakanyang, nanawagan sa PhilHealth na bayaran na ang lahat ng hospital claims

    NANAWAGAN ang Malakanyang sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran ang lahat ng pagkakautang nito o ang mga claims ng mga pribadong ospital lalo pa’t marami sa mga ito ang nagkokonsidera na putulin ang ugnayan sa state insurer.   Sa katunayan, may tatlong hospital groups na ang nagkokonsidera na kumalas sa PhilHealth matapos na […]

  • EDGAR ALLAN, natupad na ang pangrarap na maging endorser ng sexy intimate apparel kaya proud sa photo na naka-underwear lang

    PROUD na inilagay ni Edgar Allan Guzman ang kanyang picture as the new endorser of the famed brand ng underwear.     Dream come true para kay EA na maging bahagi ng family ng famous brand. Kapag kasi kinuha kang endorser ng brand na ito, it is tantamount to saying na you have arrived. Iba ang […]

  • NDRRMC nakaalerto na kay Betty

    HANDA  na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa kanilang emergency preparedness and response (EPR) protocols at preparation para sa pananalasa ng bagyong Betty.     Ayon kay Civil Defense Administrator and NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensiya para masiguro na nakahanda na ang lahat […]