• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata na gumagala habang armado ng baril sa Malabon, kulong

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang kelot matapos inguso sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Leo”, 20, ng Brgy. Longos.

 

 

Batay sa imbestigasyon nina PMSg Mardelio Osting at PSSg Sandy Bodegon, bago ang pagkakaaresto sa suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang gumagala sa Labahita Street, Brgy. Longos na nagdulot ng pangamba sa mga tao sa lugar.

 

 

Kaagad nirespondehan ng mga tauhan ni SIS chief P/Capt. Richell Siñel ang naturang lugar kung saan nakita nila ang suspek na may hawak na baril sa kanyang kanang kamay dakong alas-2:50 ng hapon.

 

 

Maingat nilapitan ng mga operatiba ng SIS ang suspek saka sinunggaban at nakumpiska sa kanya ang hawak na isang caliber .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

 

 

Nang wala siyang maipakitang kaukulang papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay binitbit ng pulisya ang suspek para sampahan ng kasong paglabag sa R.A.10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act). (Richard Mesa)

Other News
  • Posibleng pagdami ng Covid-19 cases sa bilangguan, kinatatakutan

    Kasabay nang bababala sa posibleng pagdami ng COVID-19 cases sa bilangguan, nanawagan si Anakalusugan Party List Rep. Michael  Defensor sa agarang pagsasagawa ng confirmatory testing sa lahat ng inmates at correction officers na nagpapakita ng  maaagang sintomas ng naturang nakakahawang sakit.   “Nobody should be left behind in terms of prompt access to free testing as well […]

  • Philippine border hinigpitan na vs ‘monkeypox’

    PINAIGTING na ang border control measures sa bansa sa gitna ng banta ng “monkeypox” virus.     “We have instructed the BOQ (Bureau of Qua­rantine) to intensify its surveillance of passengers coming from countries with known cases of monkeypox — mainly from central and west Africa,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III.     […]

  • 8,773 bagong COVID-19 cases naitala ng DOH, ika-2 ‘all time high’ this week

    Nakapagtala ang Department of Health ng 8,773 bagong infection ng coronavirus disease ngayong Huwebes, kung kaya nasa 693,048 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.     Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:   lahat ng kaso: 693,048 nagpapagaling […]