• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binigyan ng second chance pero walang pagbabago: JENNICA, tuloy ang pag-file para ma-annul ang kasal nila ni ALWYN

TULOY na ang pag-file ni Jennica Garcia para ma-annul ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Alwyn Uytingco.

 

 

 

Mas makabubuti raw ang annulment para tuluyan na silang maging malaya sa isa’t isa dahil wala na raw talagang balikan na maasahan sa kanilang dalawa.

 

 

 

Binigyan daw ni Jennica ng second chance noon pa si Alwyn, pero wala raw talagang nangyaring pagbabago.

 

 

 

Kinasal ang dalawa noong 2014 at naghiwalay noong 2021.

 

 

 

Three years nang hindi na ginagamit ni Jennica ang married name niya na Uytingco. Pero naging maingat si Jennica na magsalita ng hindi maganda tungkol kay Alwyn dahil sa kanilang dalawang anak na sina Mori at Alessi.

 

 

 

Pinabulaanan naman ni Jennica na ang reason ng pagpapa-annul niya ay dahil sa namumuong pagtitinginan daw nila ni Christian Bables na nagsimula sa teleserye na ‘Dirty Linen’.

 

 

 

Diin ni Jennica: “Wala po talagang romantic na dating or anything like that between me and Christian.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Mga Pinoy cue artists pasok na sa 2nd round ng US Open Pool Championship

    Pasok na sa ikalawang round ng US Open Pool Championship ang mga billiard players ng bansa.     Pinangunahan ni Dennis Orcollo at Carlos Biado at pitong iba pang Filipino ang pag-usad sa ikalawang round ng torneyo na ginaganap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey.     Unang tinalo ng Asian gold medalist […]

  • ‘No window hours’ sa number coding, ‘fake news’ – MMDA

    NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na walang katotohanan ang kumakalat na larawan na nagsasabing may bagong iskedyul sa umiiral na Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila.     Sa post ng MMDA sa kanilang Facebook page, sinabi nito na ma­ling impormasyon ang kumakalat […]

  • KIT, walang problema sa nudity pero ‘di naman gagawa ng ‘soft porn’

    HINDI issue kay Kit Thompson ang nudity.     Basta gusto raw ang isang project, kahit na ano ang requirement ng role, he will do it.     “Nudity is not a problem for me. As long as I like the project and I trust the director, I will do anything that the role requires,” […]