• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bishop Blue nagwagi

PINAGALANDAKAN ni Bishop Blue sa paghinete ni RM Garcia ang bilis sa paspasan upang mapanalunan ang Three-Year-Old & Above Maiden Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

Nakiramdam muna ang class A rider at si Bishop Blue sa bandang likuran habang tangan ni Beli Bell ang trangko. Kasabay ni top favorite Bishop Blue si Doctor Amorette sa paghabol sa lamang ng limang kabayo ni Beli Bell papasok ng far turn.

 

Pero pagdating ng rektahan parang sibat na nilampasan ng winning horse si Beli Bell at namayagpag nang may apat na kabayo ang distansya.

 

“Mahusay pala ang Bishop Blue, future champion yan,” bigkas ni Carlos Fermin na isang karerista.

 

Sinubi ni Bishop Blue ang added prize P10,000, na umentra ng meta sa tiyempong 1 minuto at 32 segundo sa 1,400-metrong karerahan.

 

Pangalawa si Beli Bell, pangatlo si Doctor Amorette at pang-apat si Major Ridge. (REC)

Other News
  • WANTED SA MURDER CALOOCAN, TIKLO NG NPD SA MALABON

    NASAKOTE ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Malabon City ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder sa Caloocan City.     Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Randy Deparoco, 44 ng Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City.     Sa report […]

  • NBA: James Harden, Nikola Jokic nasa Orlando na matapos ang mga delay

    Nakarating na sa Walt Disney World Resort Campus sa Orlando, Florida si NBA star James Harden para humabol sa Houston Rockets na naghahanda sa muling pagpapatuloy ng 2019-20 season.   Ngayong Miyerkules nang dumating sa Florida si Harden, limang araw matapos mauna ang kanyang team na Houston Rockets na magtungo sa campus.   Hindi naman […]

  • Pamilya ng mga sundalo, pinapasama na ni PDu30 para sa libreng bakuna ng gobyerno

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na isama ang pamilya ng mga sundalo sa priority list na mabigyan ng COVID vaccine.   Partikular na naging utos ng Chief Executive na isama ang mga ito sa mga mauunang maturukan na gagawin sa kampo ng militar.   “So ang sunod […]