• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bishop Pabillo, nababahala sa mai-expired AstraZeneca vaccines

Nababahala si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinggil sa mga dumating na karagdagang 2-milyong donated COVID-19 AstraZeneca Vaccines sa bansa noong nakaraang linggo.

 

 

Ito’y matapos makumpirma ng Department of Health na ang 1.5 doses ng nasabing vaccine ay mag-eexpired na sa Hunyo 30 at ang iba naman ay sa Hulyo 31.

 

 

Ayon kay Bishop Pabillo, nararapat lamang na bilisan na ng pamahalaan lalo’t higit ng DOH ang pamamahagi ng nasabing vaccine upang ito’y hindi na masayang pa.

 

 

Gayundin, dagdag ng Obipso na higit rin itong makatutulong sa mga Filipino upang magkaroon na ng kapanatagan at kaligtasan laban sa epekto ng COVID-19 pandemic.

 

 

“Kaya nga dapat mas maging systematic at mas maging mabilis ang pamamahagi ng mga AstraZeneca vaccines na ‘yan para hindi po ma-expired. Sa halip na makatulong na sa tao, masasayang pa kapag na-expired ‘yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Samantala, nauna nang sinabi ng dating miyembro ng National Task force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon na dapat nang humingi ng tulong ang pamahalaan sa mga pribadong sektor upang mapabilis na ang pamamahagi ng vaccines.

 

 

Paliwanag ni Leachon na masyadong mababa ang average rate ng vaccination sa Pilipinas na aabot lamang sa 30,000 hanggang 60,000 kada araw, pahiwatig na malabong maubos ang AstraZeneca vaccines bago magtapos ang Hunyo.

 

 

Mayroon namang inaayos na plano ang pamahalaan para agad na maipamahagi ang mga bakunang malapit nang mawalan ng bisa.

 

 

Ayon sa DOH, kanilang ipapamahagi ang nasa 1.5 milyon na bakuna na mag-eexpire sa susunod na buwan bilang unang dose, habang ang natitira naman na nasa 525,000 ay ipapamahagi bilang pangalawang dose ng mga nauna nang nakatanggap ng AstraZeneca vaccine.

 

 

Batay sa huling ulat, umabot na sa higit 3-milyong Filipino na ang nabakunahan laban sa COVID-19, na karamiha’y senior citizens, persons with comorbidities at mga health workers.

 

 

Inaasahan naman ng Pilipinas na mababakunahan ang nasa 70 milyong indibidwal ngayong taon upang maabot ang herd immunity laban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit na nakaapekto na sa higit 1-milyong Filipino. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Diaz magdo-donate ng P1 milyong weightlifting equipment

    Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, magdo-donate si Diaz ng mga weightlifting equipment sa SWP at Philippine Sports Commission.     Nagkakahalaga ito ng P1 milyon.     Nais ni Diaz na makatulong upang makatuklas pa ng mga bagong talento na susunod sa kanyang yapak sa mga darating na henerasyon,   […]

  • Tulak, kasabwat huli sa drug bust sa Valenzuela, P340K droga nasabat

    TIMBOG ang dalawang drug suspects, kabilang ang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Linggo ng gabi.     Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina […]

  • First collection ng Brazilian designer, matagumpay na nailunsad: ALEXIA, kahanga-hanga ang pagpapahalaga sa T’nalak ng T’boli Tribe

    HANGANG-HANGA kami sa Brazilian actress, model, host at designer na si Alexia Nuñez sa pagbibigay halaga niya sa mga habi ng T’boli tribe mula Lake Sebu, South Cotabato sa Mindanao. Matagumpay ngang nailunsad ng fashion designer ang kauna-unahan niyang  koleksiyon, ang EON Collection kamakailan sa Reserve Bar, Pasig City, na kung saan bukod sa T’nalak, ay ipinagmamalaki rin niya ang […]