Blancada pangarap ang mag-Olympics surfing
- Published on April 15, 2021
- by @peoplesbalita
AANGKLAHAN ni 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s surfing longboard gold medal winner Nilbie Blancada ang anim-katao pambansang koponan ng Pilipinas na papalaot sa 2021 Surf City El Salvador World Surfing Games sa Mayo- 29-Hunyo 6 sa La Bocana at El Sunzal, El Salvador.
Isinilang sa Barangay Catangnan, Gen. Luna, Surigao del Norte ang surfer, na ipapadala kompetisyon ng United Philippines Surfing Association 2016 Inc.
Makakasama niya sina Vea Estrellado ng Gubat, Sorsogon, Daisy Valdez ng La Union, mga kalalawigan niyang sina John Mark Tokong at Piso Alcala, at si Jay-R Esquivel.
Nakalaan sa nine-day surfest na final Olympic qualifying event ang limang puwesto sa men’s at pito sa women’s divisions para sa mga maglalayag naman sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na na-move lang pandemya sa darating na Huly 23-Agosto 8. (REC)