• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Bloodline Art Exhibit’ sa Bulacan, nagbigay-buhay sa mga kwentong henerasyon

LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagmalaki ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office ang ‘Bloodline: The Art of Family Bonds’, isang eksibit na pansining na sumasalamin sa malalim na ugnayan ng mga pamilya sa pamamagitan ng paglikha ng sining na ginanap sa Guillermo Tolentino Exhibit Hall, Hiyas ng Bulacan Cultural Center, Provincial Capitol Compound sa lungsod na ito noong Pebrero 17, 2025.

Tampok sa nasabing eksibit ang kolesyon ng 42 na magkakamag-anak na Bulakenyong alagad ng sining na nagpapakita ng matibay na koneksyon ng pamilya gamit ang iba’t ibang anyo ng sining mula tradisyunal na pagpipinta, paggawa ng iskultura, at paggamit ng makabagong mixed media. Ipinakita nito ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng pagkakaisa, pagmamahal, at pamana na binibigyang buhay ang emosyon at alaala na nag-uugnay sa bawat henerasyon habang inilalarawan kung paano naipapamana ang kultura, values, at pagkakakilanlan sa paglipas ng panahon.

Binigyang-diin ni Gob. Daniel R. Fernando na ang Bulacan ay hindi lamang duyan ng mga dakilang bayani kundi tahanan din ng mahuhusay na alagad ng sining.

“Palaging nakasuporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa kanila. Lagi tayong nakaantabay at nakahanda sa pagbibigay ng tulong upang lalo pang mapagtibay at mabigyan sila ng mataas na pagkilala, sapagkat sila ay tunay na kayamanan ng ating lalawigan na dapat ipagmalaki at pagtuunan ng pansin,” anang gobernador.

Ang ‘Bloodline: The Art of Family Bonds’ ay isang oportunidad para sa mga lokal na alagad ng sining na ipakita ang kanilang mga likhang sining at tradisyong Bulakenyo habang nabibigyan sila ng mas malawak na pagkilala upang matiyak na kanilang mga obra ay makikilala at mapapahalagahan ng publiko.

Bukod dito, magsisilbi rin itong isang makabuluhang edukasyonal na karanasan para sa mga mag-aaral, iba pang alagad ng sinin, at sa mga nais bumisita upang mapalawak ang kanilang pananaw sa kultura, kasaysayan, at makabagong anyo ng sining.

Bukas ang eksibitpara sa publiko hanggang Marso 7, 2025.

 

Other News
  • DOTr: National standards sa paggamit ng iisang payment systems sa lahat ng transport modes inaayos

    Maglalabas ang Department of Transportation (DOTr) ng nationwide standards specifications para sa fare media at transit readers para sa planong “nationwide interoperable automated fare collections systems (AFCS)” sa lahat ng transport modes.   “We are formulating and finalizing the release of the AFCS National Standards to ensure interoperability and mutual trust among multiple automatic fare […]

  • Parak, 1 pa arestado sa baril sa Caloocan

    KALABOSO ang dalawang katao, kabilang ang isang aktibong pulis matapos makuhanan ng baril ng kanyang mga kabaro sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Sa ulat na natanggap ni Caloocan Acting Police Chief P/Col Ruben Lacuesta mula kay Police Sub-Station 15 Commander P/Capt. Demile Tubbali, nagpapatrulya aniya ang kanyang mga tauhan sa Phase […]

  • Panibagong 1.5-M doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa PH

    Dumating na sa Pilipinas ang 1.5-million doses ng COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan sa Chinese company na Sinovac.     Bago mag-alas-8:00 ng umaga kahapon, Biyernes nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang flight ng Cebu Pacific na may lulan sa shipment ng mga bakuna.     Ito na ang pinakamalaking shipment […]