Bong Go, nanawagan sa taumbayan na ipagdasal ang kalagayan ni Duterte
- Published on March 12, 2025
- by Peoples Balita
NANAWAGAN si Senador Christopher “Bong” Go sa taumbayan na ipagdasal ang kalagayan ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinumpirma ng Malacañang na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay inaresto batay sa warrant for crimes against humanity ng international criminal court.
Hiniling ni Go sa mga Pilipino na ipagdasal ang dating Pangulo na maayos ang kanyang kalagayan at kalusugan.
Ayon pa sa senador, hindi na rin na-check-up ang dating pangulo ng kanyang mga doktor matapos na dalhin si Duterte sa Villamor Airbase.
Sa katunayan aniya ay kagabi ay iniinda na ni Duterte ang masakit niyang likod dahilan kaya ang senador at ang personal physician ng dating pangulo ang nagpunta kanina sa NAIA terminal 3 upang masuri ang kalagayan nito.
Kinumpirma ng senador na bukas ay may regular check-up si Duterte sa Cardinal Santos Hospital.
Gayunpaman, hindi pinapasok ng mga nagbabantay na security personnel ng paliparan sina Go at ang doktor sa Terminal 3 para sana ma-check si Duterte.
Ayon pa kay Go, kasama ni dating Pangulo Duterte ngayon ang kanyang common-law-wife na si Honeylet, ang anak na Kitty, dating Executive Secretary Salvador Medialdea at isang nurse ng dating Pangulo. (Daris Jose)
-
P25/kilong bigas hiling pabahain sa lahat ng palengke
MABILIS na inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang isama ang tobacco smuggling bilang economic sabotage. Napagkasunduan din ng komite na mag-draft ng committee report para i-endorso sa plenary ang panukalang batas na inihain nina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son at Ilocos Norte Rep. […]
-
Dumating naman ang panahon na nakapagpatawad: DINA, ‘di itinago na nagalit kay CONEY nang makarelasyon ni VIC
SIX years old na ngayon si Malia, ang anak ng komedyana si Pokwang at ni Brian O Lee. Sey pa ni Pokwang na hindi pa raw niya naipaliliwanag sa bunsong anak kung ano ang mga pinagdaanan nila ng Samang si Lee. “Wala muna, pinalaki kong matatalino ‘yung mga anak ko, alam nila iyan. […]
-
Duterte sa DENR: Illegal mining sa Cagayan imbestigahan
Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Enrivonment Secretary Roy Cimatu ang umano’y illegal mining na dahilan ng malawakang landslides at pagbaha sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela. Ito ang ipinag-utos ni Duterte sa ginanap na situation briefing sa Cagayan kung saan maaaring ang talamak na mining activities umano sa […]