• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go pinuri sa patuloy na pagtulong sa Philippine sports

NAKATANGGAP ng papuri si senator Christopher “Bong” Go mula sa ilang atleta at sports perso­nalities dahil sa suportang ibinibigay nito sa Philippine sports.

Saludo sina veteran sports journalist Joaquin Henson at Olympian Nesthy Petecio sa programa ni Go kung saan kaakibat ito sa pagpapalakas ng grassroots development, health sector at pagpapalawak sa benepisyo ng mga Pinoy athletes.

“Kay Senator Bong Go, maraming salamat po sa inyong suporta sa mga atleta. Maraming salamat po, lalo na sa grassroots. Patuloy n’yo lang po ka­ming sinusuportahan, Sir dahil alam ko napakadami pa pong nasa grassroots na gusto maging tulad namin,” ani Petecio.

Nanindigan naman si Go na hindi ito titigil sa pagsuporta sa mga atletang Pinoy na patuloy na nagsusumikap upang mabigyan ng karangalan ang bansa.

Ilan sa mga pinuri ni Go si PSA Athlete of the Year Carlos Yulo na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics noong nakaraang taon.

“Ang tagumpay ng ating mga atleta ay tagumpay ng buong bansa. Kaya naman, hindi natin sila pababayaan. Patuloy tayong magsusulong ng mga programa na magpapalakas ng Philippine sports,” ani Go.

Bilang senate committee chairman on sports, isa si Go sa nagsusulong upang maaprubahan ang pondo ng sports agency na naging maganda ang resulta dahil sa mga tagumpay ng mga atleta.

Una na rito ang pagkopo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

“Ang ating mga kabataan ay may potensyal na maging world-class athlete’s kung mabibigyan sila ng tamang suporta. Kaya dapat nating siguruhing may sapat na pondo, tamang training facilities, at mga programang magpapalakas sa kanila,” ani Go.

Other News
  • PBBM, tinitingnan ang ‘cutting-edge” micro nuclear fuel technology para resolbahin ang powers crisis sa bansa

    TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “cutting-edge” micro nuclear fuel technology bilang bahagi ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na  lutasin ang power crisis sa bansa.   Ito’y matapos na makipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng  Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader at vertical integrator ng  nuclear technologies at services.   Sa  meeting sa Washington, nagpahayag ng […]

  • Rep. Edcel Lagman, pumanaw na, 82

    INANUNSYO ni Tabaco City Mayor Krisel Lagman ang pagpanaw ng kaniyang amang si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa edad na 82. Sinasabing atake sa puso ang ikinamatay ng mambabatas, bandang alas-5:01 nitong Huwebes. Si Lagman ay ipinanganak noong May 1, 1942. Siya ay nagsilbing minority leader at iba pang posisyon sa Kamara. Naging bahagi rin […]

  • Pinay tennis star Alex Eala wagi kontra French opponent

    Binigo ni Pinay tennis ace player Alex Eala si Margot Yerolymos ng France sa opening game ng W60 Bellinzona.     Nakuha ang 15-anyos na si Eala ang score na 7-6(6), 6-2 sa laro na ginanap sa Switzerland. Kasabay din nito ay nag-uwi ito ng $60,000.     Maguguntiang umakyat ang WTA ranking ni Eala […]