• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go: SAP para sa 22.9 milyong Pinoys pabilisin

Nag-alala si Senator Christopher “Bong” Go sa kalagayan ng mga pamilyang apektado ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions sa National Capital Region Plus areas dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.

 

 

Kaya naman hiniling ni Go sa Department of Social Welfare and Development at mga apektadong local government units na pabilisin ang pamamahagi ng Supplemental Amelioration Program sa tinatayang 22.9 million low-income Filipinos.

 

 

“Higit kumulang 22.9 milyong mahihirap na katao na bumubuo ng 80 porsyento ng populasyon ng NCR at mga probinsya ng Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna na naka-ECQ ngayon ang dapat ma-bigyan ng ayuda sa lalong madaling panahon,” igniit ni Go.

 

 

“Aprubado na ito ng Pangulo kung kaya’t dapat na bilisan na natin ang pagbigay ng ayuda. Sa tulong ng mga LGUs, dapat maipamahagi ito sa bawat kwalipikadong indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon,” ayon sa senador.

 

 

Nasa P23 bilyon ang hinugot sa balanse ng Bureau of Treasury sa ilalim ng ‘Bayanihan to Recover as One Act’ kasunod ng apela ni Go na dagdagan ang ayuda sa mahihirap na pamilya na naapektuhan ng ECQ measures.

Other News
  • Ex-PDEG chief, 48 pa kakasuhan sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

    NAKATAKDANG  isampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong kriminal at administratibo laban kina dating Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Director BGen. Narciso Domingo at 48 pang tauhan nito kaugnay ng umano’y ‘cover-up’ sa P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat mula sa lending company ni PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong […]

  • Kahilingan ng Akbayan di pinagbigyan ng DOTr

    HINDI pinagbigyan ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ng Akbayan Party-list sa kanilang appeal na palawigin ang oras ng operasyon ng tatlong (3) railways systems sa Metro Manila.   Ayon sa DOTr na kahit na ang kahilingan ay makakapagbibigay ng mas convenient na pagsakay ng mga pasahero sa gabi, ito naman ay nangangahulugan ng […]

  • Rightsizing, hindi para sibakin ang empleyado -PBBM

    NILINAW ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na ang rightsizing ay hindi para sibakin sa trabaho ang mga empleyado kundi magsisilbi itong tool o kasangkapan para  “i-upskill at reskill” ang kasalukuyang government workforce para mapahusay ang state services at mga programa.   Nauna rito, ipinag-utos ng Pangulo ang pag-assess sa mga posisyon sa ehekutibong sangay ng […]